Balita

PBA POW: Thank Tiu po!

- Marivic Awitan

MAINIT ang naging panimula ng koponan ng Rain or Shine sa ginaganap na 2018 Honda PBA Commission­er’s Cup, at isa sa kadahilana­n ay ang lideratong ipinapakit­a ng kanilang beteranong guard na si Chris Tiu.

Nagtala ang 32-anyos na si Tiu ng all-around game na may average na 14 puntos, 6.5 assists at 3.0 rebounds sa pagbubukas ng kampanya ng Rain or Shine sa unang dalawang panalo na kanilang ipinoste kontra Alaska at crowd favorite Barangay Ginebra upang mahirang bilang unang PBA Press Corps Player of the Week sa mid-season conference.

Umiskor ang dating Ateneo playmaker ng 18 puntos, 6 na assists at 3 rebounds upang makatulong ni import Reggie Johnson sa pangunguna sa paggapi nila sa Alaska, 109-103 sa overtime noong Biyernes.

Dalawang araw pagkatapos nito, muling sumiklab sa kanyang performanc­e si Tiu at nagposte ng 10 puntos, 7 assists at 4 rebounds upang tulungan ang Elasto Painters sa paggapi sa Kings, 108-89.

Tinalo ng dating PBA Three-Point champion para sa lingguhang citation sina teammate Raymond Almazan, at sina TNT guards Jayson Castro, Terrence Romero at Jericho Cruz para sa parangal sa unang linggo ng second conference noong Abril 22-29.

Dahil sa panalo, nangingiba­baw ngayon sa standings ang Rain or Shine na may markang 2-0.

Samantala, may dagdag na atraksiyon na magaganap sa darating na taunang PBA All-Star Week.

Magkakaroo­n ng isang special three-point shootout na magtatampo­k kina Senador Manny Pacquiao at Special Assistant to the President Bong Go sa kick off leg PBA All-Star Week.

Makakasama nina Pacquiao, ang dating playing-coach ng Columbian Dyip (kilala dati bilang KIA) at Go, si Presidenti­al son-in-law at Atty. Mans Carpio sa nasabing special feature na gaganapin sa unang yugto ng mid-season spectacle na inihahatid ng Phoenix Fuel at Phoenix Pulse Technology bilang major sponsor sa Digos, Davao del Sur sa Mayo 23.

Magiging kakampi ng nabanggit na tatlong public officials sina PBA greats Allan Caidic at Kenneth Duremdes at Magnolia Pambansang Manok veteran Peter June Simon na tubong Makilala, Cotabato.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines