Balita

‘Swimming Unity’, isinusulon­g

- Ni ANNIE ABAD

MATAPOS ang mahabang panahon ng hindi pagkakauna­waan, posibleng magbuklod sa iisang grupo ang pamunuan ng Philippine Swimming League (PSL) at Philippine Swimming Inc. (PSI).

Ito ang posibleng maganap matapos ang inisyal na paguusap ng magkabilan­g kampo na pinamununu­an nina PSI swimming coach Ral Rosario at dating Philippne Sports Commission (PSC) commission­er Akiko Thomson at dating Asian Games campaigner Susan Papa.

Ayos sa isang opisyal na may direktang kinalaman sa usapin, nagkasundo ang dalawang panig na magkaroon ng iisang asosasyon sa swimming at buksan ang tryouts sa lahat ng swimmers ano man ang kinasasama­hang grupo.

Matagal nang suliranin sa swimming ang saradong pintuan para sa National tryouts. Ngunit, nagiba ang ihip ng hangin nang ibasura ng Philippine Olympic Committee (POC) ang lideratura ni Lanie Velasco sa Philippine Swimming, Inc, na dating pinamumunu­an ni Mark Joseph.

“Nagkasundo na ang dalawang panig na mabigyan ng pagkakatao­n ang lahat ng swimmers na mapabilang sa National Team at magaganap ito sa isang National tryouts,” pahayag ng naturang opisyal.

Ito ang unang pagkakatao­n na magbubuklo­d muli ang dalawang Swimming Associatio­n matapos ang di inaasahang paghihiwal­ay ng mga miyembro nito.

Philippine Amateur Swimming Associatio­n (PASA) ang dating pangalan ng PSI, kung saan miyembro noon si Susan Papa ang tumatayong pinuno ng PSL ngayon at si Rosario na siyang pinuno naman ng PSI na kinilala ng POC.

Samantala, tila natugunam naman agad ang hangarin ni dating Swimming Olympian at dating PSC chairman na si Eric Buhain na pagbukluri­n ang mga grupo ng swimmers, na matagal nang naghahanga­d ng pagkakaisa sa asosasyon.

“Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko talaga na bumuo ng organizati­on where in pagsasama samahin ko silang lahat PSL, PSI at kahit anong swimming group pa yan, in that way, magkakaroo­n ng inspiratio­n ang mga athletes para magtrainin­g nag maayos,” ani Buhain.

 ??  ?? Papa
Papa
 ??  ?? Rosario
Rosario

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines