Balita

One-on-One sa Fil-Oil

- Marivic Awitan

IBABALIK ng Filoil Flying V Preseason Cup ang isang paligsahan na minsan ng ginawa sa UAAP na walang iba kundi ang One-on-One competitio­n na tatawaging Hanes 1-On-1 King of the Hardcourt.

“We were looking to add something to the tournament this year, and we initially thought of the 3x3 since it is now popular and an Olympic sport,” pahayag ni Filoil Flying V Preseason Cup Tournament Director Bennett Palad.

“But the coaches were worried about injuries to their players. So we opted for one-on-one competitio­n.”

Matatandaa­ng si Palad na isang dating University of Santo Tomas standout ang unang seniors one-onone champion sa UAAP noong 1985 kasabay ng juniors winner na si Jayvee Gayoso ng Ateneo.

Nakatakdan­g lumahok sa nasabing one-on-one competitio­n sina Miggy Corteza ng La Salle, Evyn Santiago ng University of the Philippine­s , John Lloyd Clemente ng National University , Jordan Sta. Ana ng UST, Mike Casiño ng Far Eastern University , Christophe­r Conner ng University of the East , Jeremiah Taladua ng Letran,Daniel Aguirre ng Mapua ,Yancy Remulla ng Lyceum , Sean Neri ng Emilio Aguinaldo College ,Kenneth Mocon ng San Beda, Maui Sera Josef ng Arellano University, Kevin Baytan ng San Sebastian ,Prince Carlos ng College of St. Benilde , Jed Mendoza ng Jose Rizal University at Jason Credo ng Ateneo.

Ang unang player na makakaisko­r ng 15-puntos o kung sino ang may pinakamata­as na iskor matapos ang pitong minuto ang mananalo sa laro.

Bibigyan lamang ng tig-isang timeout kada player at may 14second shot clock kada possession at tig-3 fouls.

Base sa format, lahat kalahok ay hinati sa apat na grupo na binubuo ng Group A: La Salle, Lyceum, Letran, at UP ,Group B: UST, EAC, NU, at Mapua , Group C: FEU, AU, CSB, at SBU at Group D: JRU, UE, Ateneo, at SSCR

Bawat laban ay isang sudden death match at bawat manlalaro ay lalabanan ang kanilang kagrupo kung saan ang mananalo sa bawat grupo ay maglalaban-laban para alamin kung sino ang uusad sa cross over semifinal.Ang manlalaron­g malalabing hindi natatalo ay magkakampe­on at magwawagi ng premyong P20,000.

“We believe that this will enhance the tournament,” ayon pa kay Palad.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines