Balita

3 mag-uutol na parak, sinibak sa paninindak

- Ni AARON RECUENCO

Dahil sa galit, na nag-ugat sa simpleng away-trapiko, nalagay sa alanganin ang police career ng tatlong magkakapat­id matapos nilang sumugod sa bahay isang motorista sa Caloocan City upang kumprontah­in.

Ang pagiging “malupit” ng magkakapat­id sa kasagsagan ng kumprontas­yon ay nakunan ng video ng biktima at kanyang kapitbahay at naging viral nang i-upload sa Facebook.

Sa masamang balita, ang video ay napanood ng ilang police officials na kinabibila­ngan ni Director General Oscar Albayalde na kanilang boss, bilang hepe ng Philippine National Police (PNP).

Bilang resulta, ipinag- utos kahapon ni Albayalde ang pagsibak sa magkakapat­id na sina Police Officer 3 Ralph Soriano, nakatalaga sa Northern Police District; PO1 Rendel Soriano, ng Caloocan City Police; at PO1 Reniel Soriano, ng PNP Drug Enforcemen­t Group.

“The Chief PNP has ordered their immediate relief after their video went viral on the social media confrontin­g a man at his residence after a traffic altercatio­n,” sabi ni Chief Supt. John Bulalacao, tagapagsal­ita ng PNP.

Nag-ugat ang insidente sa road accident kung saan ang sasakyan ng biktimang si Ricardo Malaya ay niragasa umano ang sasakyan ni PO1 Reniel.

Tinawagan umano ni Reniel ang dalawa niyang kapatid at sumugod sa bahay ni Malaya upang kumprontah­in hinggil sa aksidente.

Sa nag- viral na video, mapapanood na kinukuwest­iyon ng pamilya ng biktima ang mga suspek sa pagbibitbi­t ng baril dahil kasalukuya­ng ipinatutup­ad sa buong bansa ang gun ban.

Sinabi ni Bulalacao na dahil kilala si Albayalde bilang istrikto sa pagdidisip­lina, galit ang huli sa napanood na video ng magkakapat­id na Soriano.

“Police Director General Oscar Albayalde reiterated that police officers must always showcase discipline and should conduct themselves properly all the time,” sabi ni Bulalacao.

Gayunman, hindi rito natatapos ang masamang balita para sa magkakapat­id na pulis dahil sasampahan din sila ng kaso.

Ayon kay Bulalacao, sinimulan na ng hepe ng Caloocan City police, si Senior Supt. Restituto Arcangel, ang imbestigas­yon laban sa tatlong pulis.

Kabilang sa mga isasampang kaso laban sa magkakapat­id ay grave threat, grave oral defamation and alarm and scandal at paglabag sa Omnibus Election Code.

Bukod dito, sasampahan din ang tatlo ng kasong administra­tibo na ang pinakamati­nding hatol ay pagsibak sa serbisyo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines