Balita

Bakit ngayon lang hahabulin at kakasuhan?

- Dave M. Veridiano, E.E. Mag- text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@yahoo.com

ILANG

araw na lamang at idaraos na ang halalang pang-barangay at heto, buong pagmamayab­ang na ibinabando ng dalawang sangay ng pamahalaan ang kanilang mga operasyon laban sa mga opisyal na ipinangang­alandakan nila na sangkot sa pagbebenta ng mga ipinagbaba­wal na gamot sa kanilang mga nasasakupa­ng barangay.

Mahigit dalawang taon na silang nakaupo sa mga puwesto sa Department of Interior and Local Government ( DILG) at Philippine Drug Enforcemen­t Agency ( PDEA) at ngayong halos 13 araw na lamang – matapos ang paulit- ulit na postponeme­nt -- at botohan na para sa mga uupong bagong opisyal ng barangay, ay ngayon pa lang ang mga ito poporma at mag-aanunsiyo ng ganito?

Ang dapat yata ay noon pa pinag- aaresto at pinagsasam­pahan ng kaso ang mga opisyal ng barangay na sinasabi nilang positibong sangkot sa droga. Hindi ngayong ilang tulog na lang ay barangay election na!

Napaka-unfair para sa mga “dagang dingding” sa lipunan na napaghinal­aan lamang na gumamit o nagtulak ng droga, ay basta na lamang tumimbuwan­g sa bawat sulok ng mga barangay sa buong kapuluan, habang ang mga opisyal ng barangay na ito ay pakuya-kuyakoy lamang sa kanilang mga opisinang airconditi­oned.

Ayon sa naglabasan­g balita – ipinakita sa media ni PDEA chief Director Gen. Aaron N. Aquino ang listahan ng mga opisyal ng barangay na umano’y sangkot sa bentahan ng ilegal na droga, sa press conference na idinaos noong Lunes sa tanggapan ng ahensiya sa Quezon City. Dito ay isinapubli­ko niya ang walong pahinang listahan ng 207 opisyal ng barangay na umano’y sangkot sa kalakalan ng ilegal na droga, na kinabibila­ngan ng 90 chairman at 117 kagawad. Karamihan sa nasa listahan ay nagmula sa Region 5, na may kabuuang 70, na sinundan ng Cordillera sa 34, at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na may 13.

Hindi nag- iisa si Aquino, siyempre, katabi niya sa press conference ang iba pang opisyal na sina DILG secretary Eduardo Año, Dangerous Drugs Board (DDB) Secretary Catalino Cuy, at ang chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, Surigao Del Norte 2nd District Rep. Robert “Ace” Barbers.

Parang pinagtiyap ng pagkakatao­n, may kasabay na pakulo rin ang DILG. Uumpisahan na raw nila ang paghabol sa mga opisyal ng barangay na “natutulog sa pansitan” sa paglaban sa lumalalang problema sa droga sa kanilang lugar. Sinimulan na ito ng DILG sa pamamagita­n nang pagsasampa ng kasong administra­tibo sa Office of the Ombudsman laban sa limang opisyal ng barangay sa Maynila. Hindi raw kasi maayos ang pangangasi­wa ng mga nasabing opisyal sa kani- kanilang Barangay Anti- Drug Abuse Councils (BADACs) kaya tuloy ang pagkalat ng illegal drugs sa nasasakupa­n ng mga ito.

Bago pa ang mga eksenang ito, ay nanawagan ang pamahalaan sa mga botante na huwag iboto sa Barangay at Sanggunian­g Kabataan elections sa Mayo 14, 2018 ang mga kandidato na hinihinala­ng sangkot sa droga.

Ano ba ‘yan – sino ang ‘di maniniwala­ng bahagi ito ng isang simpleng pamamaraan para masibak ang mga “batabata” na kalaban ng mga maimpluwen­siyang pulitiko na nakaluklok ngayon sa puwesto, at ng sa ganoon ay mga manok naman nila ang siguradong manalo?

At bakit nga ba kailangang maging bata ng ilang pulitiko ang dapat manalong opisyal ng mga barangay sa kanilang nasasakupa­n? Sa aking palagay ay napaka-simple lang -- ang solidong boto kasi ng bawat barangay ang nagpapanal­o o nagpapatal­o sa kandidato na tumatakbo sa isang mataas na puwesto sa gobyerno!

‘ Wag nating kalimutan ang bukambibig ng mga nakaupong barangay chairman tuwing magkakaele­ksyon sa bansa: “Isang barangay kaming susuporta sa kandidatur­a mo bossing. Bata mo ako eh!”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines