Balita

‘Avengers’ assemble, nanguna sa box office

-

MULING

gumawa ng record sa North American box office ang Avengers: Infinity

War dahil sa pagtabo nito ng $257.7 million nitong nakaraang linggo, ayon sa industry data na inilabas nitong Lunes.

Mapapanood sa Avengers ang pinakabago­ng Marvel heavy- hitter, kasunod ng breakout success ng Black Panther, ang napakarami­ng superhero na nagtutulun­gan para isalba ang sansinukob mula sa makapangya­rihang purple alien na si Thanos ( Josh Brolin).

Ang muling gumanap sa kanilang Marvel roles ay sina Robert Downey, Jr. bilang Iron Man, Benedict Cumberbatc­h bilang Doctor Strange, Scarlett Johansson bilang Black Widow at Chris Hemsworth bilang Thor.

Kabilang din sa pelikula sina Captain America, Black Panther, the Hulk, SpiderMan at Hawkeye, pati nw ang Guardians of the Galaxy at iba pang mga kakampi ng kabutihan.

Gumawa ng kasaysayan ang Avengers – ang ikatlong pelikula sa Avengers saga at ika-19 sa Marvel Cinematic Universe – nang masungkit ang highest worldwide opening of all time sa nakalulula­ng $641 million.

Sa US at Canadian box offices, pumangalaw­a ang sci-fi horror A Quiet Place – ngunit malayo ang agwat nito kumpara sa tagumpay ng Avengers – sa kinitang $11 million sa ikaapat na linggo ng pagpapalab­as nito. Sa kabuuan ay tumabo na ang A Quiet

Place ng $148.5 million, bida ang actordirec­tor na si John Krasinski at real-life wife na si Emily Blunt, tungkol sa mag-asawa na pinoprotek­tahan ang pamilya laban sa mga bulag na aliens, na sinusugod ang mga kalaban gamit ang pandinig.

Pumangatlo ang I Feel Pretty na kumita ng $8.2 million. Comedy ito tampok si Amy

Schumer bilang self-conscious woman, na nagkaroon ng head injury at ang tingin sa sarili ay napakagand­a.

Ang nitong nakaraang linggo ay pangalawa, bumaba ang ranggo ng Rampage – na batay sa video game series, sa kinitang $7.2 million at sa kabuuan ay $78 million sa loob ng tatlong linggo.

Ikalima ang Black Panther na ikawalo nitong nakaraang linggo.

 ??  ?? Avengers: Infinity War
Avengers: Infinity War

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines