Balita

Driver at kusinero, nanalo ng house and lot sa ABS-CBN TVplus

-

SINA Mario Miranda, Jr. at Bryan Duque ang masuwerten­g nanalo ng house and lot mula sa Masaganang PaThank You promo ng ABS-CBN TVplus.

Jeepney driver si Miranda, na may dalawang anak at nakatira sa Talavera, Nueva Ecija.

Malapit siya sa kanyang pamilya at lubos silang nagpapasal­amat sa ABSCBN TVplus dahil mas na-eenjoy nila ang panonood nila ng TV. Ayon sa kanila, hindi kumpleto ang bonding ng pamilya kung walang pancit, softdrinks, at panonood ng mga paborito nilang shows gamit ang TVplus.

Isa namang kusinero si Duque at may dalawang anak. Blessing na maituturin­g ang kanyang pagkapanal­o dahil tatlong beses silang naglipat-bahay sa loob ng dalawang taon matapos masunugan ng dalawang pagkakatao­n. Tumira sila sa isang barangay-covered court matapos ang pangalawan­g sunog. Hindi rin nagtagal ay lumipat muli sila dahil ang inuupahang mga kuwarto ay tinubos na ng may-ari.

Nahirapang mag- adjust ang kaniyang pamilya, lalo na ang kanyang mga anak, sa kanilang madalas na paglipat ng tahanan. Ngunit ngayon ay mayroon na silang bahay na mauuwian at matatawag na kanilang tahanan.

May isa pang nanalo na ng house and lot mula sa Masaganang PaThank You promo. Abangan ang announceme­nt ng 3rd raffle draw winner sa mga darating na araw.

Maaari pang manalo ng house and lot sa final draw sa May 28, kaya mayroon pang pagkakatao­ng manalo ng house and lot mula sa Lumina Homes, o kaya ay MyPhone myA8 DTV smartphone, o P4,000 gift certificat­es mula sa Octagon o Boardwalk.

Sumali sa pag-text ng JOIN(space)<TVplus BOX ID>/<name>/<address> sa 2366. Ito ay open to all networks.

Pwede pang sumali kahit na wala pang TVplus. Bumili lamang ng box at sundin ang registrati­on procedure.

Ang ABS-CBN TVplus o ‘mahiwagang black box,’ ay isang digital box na nakakasaga­p at ibinobrodk­ast ang lahat ng available na digital signals sa TV. Dahil dito, mas maraming pamilyang Pilipino ang nakakapano­od ang kanilang paboritong TV shows ng mas malinaw at klaro.

Magpunta sa www.abs-cbntvplus. com o kaya sa official Facebook page ng TVplus para sa karagdagan­g impormasyo­n.

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines