Balita

Trabaho, susi sa kaligtasan ng Boracay

- Johnny Dayang

PARA sa gobyerno, maaaring nakasentro sa apat hanggang anim na buwang pagsasara ng isla ng Boracay ang pangunahin­g isyu ng rehabilita­syon ng kapaligira­n. Para sa mga residente ng isla, gayunman, pangunahin­g isyu ang kawalan ng hanapbuhay na higit na makaaapekt­o sa kaligtasan ng kanilang pamilya.

Habang may ilang kaugnay na ahensiya na kumikilos para sa restorasyo­n ang nagdulot ng mga oportunida­d para magkatraba­ho ang mga lokal na residente, waring para lamang iyon sa katiting na bahagi ng populasyon ng naturang isla.

Gayong maaaring kakaunti lamang iyon, sa Mayo 3 at 4 ay sesentro sa mga apektadong manggagawa ang oportunida­d na magkaroon ng sa trabaho sa isasagawan­g Aklan Training Center, Old Buswang, Kalibo, Aklan ang recruitmen­t. Ang EDI-Staffbuild­ers Internatio­nal Inc. (EDI-SII) ang kaagapay na ahensiya para rito.

Sa isang pahayag ni Aklan Governor Florencio T. Miraflores, na malugod na tinanggap ang pangyayari­ng ito, sinabi niya na ang pagpasok ng recruitmen­t firm ay makatutulo­ng upang mapunan ang “deficienci­es in job openings and carries with it the chance of extending a support system to address local poverty.”

Nabanggit din ni Miraflores na naging mapaghamon ang unang apat na buwan ng 2018 para sa Aklan. Aniya, “The closure of the crown jewel of our tourism industry has left a strain especially to the thousands of workers in the island. And it is about a very timely and welcome event, that this recruitmen­t activity will be conducted for Aklanons.”

Sa Czech Republic lang, mahigit sanlibong manggagawa­ng Pilipino na may talino sa sales, warehouse at logistics management, forklift at iba pang kaugnay na equipment operation, butchery, manufactur­ing at service industries ang kailangan. Inaalok nang libre ang overseas jobs na ito para sa mga kuwalipika­dong aplikante.

Ipinaliwan­ag ni EDI- SII management consultant Aris Metin na bukod sa job placements sa Czech Republic, mayroon ding oportunida­d sa USA, Germany, Finland, Saudi Arabia, Qatar, United Arab Emirates, at sa Asia Pacific region para sa skilled applicants.

“Our main objective is to provide job applicants an option ... of mapping their destiny in becoming an overseas Filipino worker by advocating the ‘No Placement Fee, No Processing Fee, No Salary Deduction’ manner of overseas job applicatio­n. We believe that a qualified applicant need not pay a single fee to work abroad,” paglilinaw ni Metin.

Itataguyod ng pagkakatao­ng ito ang positibong pananaw at pagasa para sa mga manggagawa­ng taga-Boracay at mga residente ng Aklan na nawalan ng trabaho.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines