Balita

Khloe Kardashian at Tristan Thompson, namataang magkasama

PAGKATAPOS NG CHEATING SCANDAL

- Cover Media

MUKHANG bibigyan pa ni Khloe Kardashian at Tristan Thompson ng pangalawan­g pagkakatao­n ang kanilang relasyon, pagkatapos ng cheating scandal ni Thompson na gumulantan­g sa pamilya ng reality TV star kamakailan.

Ayon sa ulat ng Cover Media, namataang magkasaman­g kumakain ng tanghalian sina Thompson at 33 taong gulang na celebrity sa TownHall restaurant sa Cleveland, Ohio, nitong Biyernes, at ayon sa mga nakasabay nilang kumain sa na restaurant ay mukhang masaya at relaxed si Khloe.

Kumalat ang video na nahuling nakikipagh­alikan ang basketball player sa hindi kilalang babae sa isang nightclub, ilang araw bago iluwal ng kanyang girlfriend ang kanilang panganay na anak nitong nakaraang buwan, at sa isa pa ay kasama naman nito ang tatlong babae sa kanyang bahay noong nakaraang taon, habang tatlong buwan pa lamang ang ipinagbubu­ntis ni Khloe.

Sinabi kamakailan ng isang source sa Entertainm­ent

Tonight na ang relasyon nina Kardashian at Thompson ay “not in a good place”, ngunit tila napatawad na ni Khloe si Tristan – batay sa kanilang paglabas nitong Biyernes. Sa guesting ni Kris

Jenner, ina ng Kardashian­s, nitong Biyernes sa The Ellen DeGeneres

Show, nagsalita siya tungkol sa eskandalo, at sinabing mula noon ay palagi nilang kapiling at inaalagaan si Khloe.

“I think we do what we always do and that’s spring into action with love,” sabi ni Jenner. “We all hopped on a plane and flew to Cleveland, ‘cause that’s what we know to do. I’m there to support my kids no matter what happens. I just do the best I can just like anybody else would for their family. There’s a lot of us. We all get together and we do things together and we’re a force to be reckoned with.”

Sinabi rin niya kay Ellen na ang kanyang anak ay “figuring it out just one day at a time and she’s just the best mom already and that baby is so cute.”

 ?? Khloe ??
Khloe

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines