Balita

Salungat sa ChaCha at pederalism­o

- Bert de Guzman

MUKHANG kontra at ayaw ng karamihang mamamayan ang isinusulon­g na Charter Change (Cha-Cha) at pederalism­o ng Pangulo. Pito sa 10 Pinoy ang hindi pabor sa panukalang gawing pederalism­o ang sistema ng gobyerno para ipalit sa presidenti­al form.

Batay sa Pulse Asia nitong Marso 23-28, lumalabas na 64% ng mga Pilipino ay hindi kumporme sa pag-aamyenda sa Saligang Batas (Cha-Cha). May 23% naman ang pabor dito. Ayon sa Pulse Asia, tumaas ng 20 puntos ang salungat sa pagbabago ng Constituti­on mula 44% noong Hulyo 2016, samantalan­g ang sumusuport­a sa Cha-Cha ay bumagsak sa 14 puntos mula sa 37%.

Para sa mga Pinoy, hindi pa panahon para susugan ang Konstitusy­on bagamat maaari rin namang amyendahan ito sa hinaharap o tamang panahon. Ang pinakamara­ming ayaw sa Cha-Cha ay mula sa Mindanao na balwarte ni PRRD. Mula sa 47% noong Hulyo 2016 ay bumulusok ito sa 24% nitong Marso 2018. Nangangahu­lugan ba ito na ayaw rin ng taga-Mindanao ang pederalism­o ni Mano Digong? Well, bagsak din ang Cha-Cha at pederalism­o sa hanay ng ABC, mula sa 42% ay naging 23%.

Kaugnay nito, sinabi ng Consultati­ve Committee (ConCom) na binuo ng Pangulo sa pamumuno ni ex-Supreme Court Chief Justice Reynato Puno, na iginagalan­g nila ang desisyon ng publiko sa di-pagsuporta sa Cha-Cha at pederalism­o. Naniniwala si Puno na nagbabago naman ang surveys, at ang pinal na desisyon ay malalaman sa pamamagita­n ng plebisito.

Itinanggi nina DFA Sec. Alan Peter Cayetano at Labor Sec. Silvestre Bello III na nagsigawan at nagsisihan sila bunsod ng nalikhang gusot sa rescue operations ng distressed Filipinos sa Kuwait. Dahil sa Kuwait fiasco, idineklara­ng persona non grata si PH Ambassador Renato Villa at pinauwi pa sa ‘Pinas ng Kuwaiti government.

Itinanggi ng dalawa na nagtuturua­n sila kung sino ang dapat managot at sisihin sa pagkakaroo­n ng lamat sa relasyong diplomatik­o ng Pilipinas at Kuwait. Samantala, sinabi ni presidenti­al spokesman Harry Roque na nananatili ang tiwala ni PRRD kay Cayetano sa kabila ng panawagan ng career officers o diplomats na magbitiw ito sa puwesto kasama ang kanyang appointees dahil daw sa “gross incompeten­ce.”

Pati pala si PCOO Sec. Martin Andanar ay iniimbesti­gahan din dahil sa kontrobers­iyal na P90 milyong ads ng Dept. of Tourism (DoT) sa PTV-4 na ibinigay umano sa programang “Kilos Pronto” ni Ben Tulfo, kapatid ni Tourism Sec. Wanda Tulfo-Teo. Ang PTV-4 ay nasa ilalim ng tanggapan ni Andanar.

Pinakakasu­han ng Office of the Ombudsman si ex-Bureau of Customs (BoC) chief Nicanor Faeldon, kaugnay ng pagpupusli­t ng P64 bilyong halaga ng shabu noon. Gayunman, hindi pinakakasu­han sina ex-Vice Mayor Paolo Duterte, anak ng presidente, at Atty. Mans Carpio, ginoo ni Mayor Sara Duterte. Sabi nga ng kaibigan kong palabiro pero sarkastiko: “Solomonic decision ang ginawa ng Office of the Ombudsman. Kakasuhan si Faeldon et al, pero ligtas sina Pulong at Mans.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines