Balita

Bagong Guinness World Record nasungkit ng ‘Pinas

- Mary Ann Santiago

Naagaw na ng Pilipinas, partikular na ng Iglesia ni Cristo ( INC), ang bagong Guinness World Record dahil sa binuong largest human sentence.

Ito ay matapos dagsain kahapon ng mahigit isang milyong miyembro INC ang World Wide Walk for Poverty sa Quirino Grandstand sa Rizal Park, Ermita, Maynila.

Sa pahayag ng pamunuan ng Guinness World Records, aabot sa 23,235 ang nakibahagi sa human sentence na “Proud to be a member of Iglesia Ni Cristo.”

“You are officially amazing,” ayon kay Paulina Sapinska, Guinness Adjudicato­r, kasabay nang pag-anunsiyo na naagaw na ng INC ang bagong Guinness World Record for Largest Human Sentence mula sa India na nasa 16,550 lamang.

Sa record ng Manila Police District (MPD), bandang 10:00 ng umaga ay umabot na sa 1.5 milyong INC members ang nagtipon sa Quirino Grandstand para sa naturang aktibidad.

Kaugnay nito, naging mapayapa naman ang pagtitipon sa pagbabanta­y at pagbibigay­seguridad ng libu-libong tauhan ng MPD.

Bitbit ang mga flaglets at nakasuot ng puti, nagtungo ang grupo sa Roxas Boulevard hanggang Quirino Grandstand para sa charity walk, na isinagawa para makatulong sa mahihirap sa Africa.

Mula pa sa iba’t ibang lugar ang mga kasapi ng INC na lumahok sa walkathon, kabilang ang mga bata at matanda.

Pagsapit ng 9: 00 ng umaga, nakapagtal­a na ang MPD ng 20 indibiduwa­l na nangailang­an ng medical attention matapos na makaramdam ng pagkahilo at pagtaas ng presyon dahil sa labis na pagod at init ng panahon.

Kabilang naman sa mga kilalang indibiduwa­l na nakiisa sa aktibidad sina Special Assistant to the President (SAP)

Bong Go, Presidenti­al Com- munication­s Office (PCO) Secretary Martin Andanar, Senator Jayvee Ejercito Estrada, National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief, Director Camilo Pancratius Cascolan, Manila Police District (MPD) Director Police Chief Supt. Joel Napoleon Coronel, Southern Police District (SPD) Director Police Chief Supt. Tomas Apolinario at Ka Erds Codera ng INC.

Ang World Wide Walk to Fight Poverty ay sabay-sabay na isinagawa sa 300 lugar sa buong mundo.

Ito ang ikalawang beses na ikinasa ang event, na unang idinaos noong 2014 para tulungan ang mga biktima ng Bagyong Yolanda.

 ?? KEITH BACONGCO ?? MAY THE BEST SAILOR WIN Ipinarada ng mga partisipan­te ang kanilang makukulay na bangka sa Davao Gulf, sa taunang Bigiw Regatta-Sail at Speed Competitio­n sa Samal Island, Davao del Norte kahapon.
KEITH BACONGCO MAY THE BEST SAILOR WIN Ipinarada ng mga partisipan­te ang kanilang makukulay na bangka sa Davao Gulf, sa taunang Bigiw Regatta-Sail at Speed Competitio­n sa Samal Island, Davao del Norte kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines