Balita

BILIBID DRUG LORDS BINALAAN NI BATO

- Ni FER TABOY

Tapos na ang paghahari-harian ng mga bigating drug lord sa New Bilibid Prisons (NBP).

Ito ang ipinangako ng bagong Bureau of Correction­s (BuCor) chief na si Ronald “Bato” Dela Rosa nang magsagawa siya ng surprise inspection sa Bilidid, sa Muntinlupa City kahapon.

Inikot ni Dela Rosa ang pinakamala­king piitan sa bansa kasama ang mga opisyales ng BuCor, at pinagtuuna­n niya ng pansin ay ang medium security compound kung saan nakakulong ang ilang high profile na drug lords.

Babala ni Dela Rosa, hindi puwedeng maghari-harian ang mga drug lord sa Bilibid dahil maaaring “maTokhang” ang mga ito.

Bilang hepe ng Philippine National Police (PNP), pinamunuan ni Dela Rosa ang Operation Tokhang na libulibong pinaghihin­alaang nagtutulak at gumagamit ng ilegal na droga, na sinasabing nanlaban sa mga pulis, ang napatay.

Aniya, hindi dapat isama ang malalaking drug lords sa mga karaniwang preso dahil maari silang gamitin ng mga ito sa mga transaksiy­on ng droga sa Bilibid.

Binantaan ni Dela Rosa ang mga preso na umiwas masangkot sa droga.

Ayon pa kay Dela Rosa, nais niyang maipatupad ang pagbabago sa Bilibid at iba pang mga kulungan.

Isa sa mga pagbabago ay ang pagpapalay­a sa mga bilanggo na mahigit 60-anyos na.

Samantala, pinuna rin ni Dela Rosa ang mga gusali sa medium security compound na aniya’y parang babagsak na dahil sa kalumaan.

Sinabi niya kapag nagkaroon nang malakas na lindol ay maaaring gumuho ang mga gusaling ito.

Aalamin din ni Dela Rosa kung mayroon pang mga kubol sa loob ng Bilibid.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines