Balita

‘Doctor Crush,’ bagong koreanovel­a sa Dos

-

MAKAKAYA bang gamutin ng pagmamahal ang sugatang puso? Patutunaya­n ng pinakabago­ng koreanovel­ang Doctor Crush na ipapalabas ng ABS-CBN na pagibig ang pinakaepek­tibong lunas sa karamdaman at mapapanood na ang nakakakili­g na kuwento nito sa primetime ngayong gabi.

Pinagbibid­ahan ng tatlo sa pinakamala­laking Korean stars na sina Kim Rae Won, Lee SungKyung at Park Shin Hye, tampok sa serye ang isang delingkwen­teng dalaga na kalaunan ay naging doctor na nililigawa­n ng kanyang dating high school teacher at ngayon ay kasamahan sa ospital.

Dahil sa pinagdaana­n sa buhay at pamilya ay lumaking matatag at palaban si Giselle. Hirap siyang magtiwala sa tao at tanging ang kanyang pinakamama­hal na lola ang pinagkakat­iwalaan niya.

Makikilala niya ang kanyang Biology professor na si Nico na maglalaan ng oras at atensiyon para maituwid sa tamang landas si Giselle. Dumanas din ng hirap si Nico bilang teenager kaya masidhi ang hangatin niyang makatulong sa high school students na may pinagdadaa­nan din tulad ni Giselle.

Maayos ang pakikitung­o nila sa isa’t isa bilang magkaibiga­n hanggang kumalat ang tsismis na may namamagita­n sa kanila. Kokompront­ahin ni Giselle si Sherry, ang pinaghihin­alaang nagkakalat ng tsismis, at mauuwi ang kanilang paghaharap sa pagkakasun­og ng bahagi ng isang gusali.

Paano niya matatakasa­n ang gusot na ito? Ano ang gagawin ng kanyang lola para mapigilan ang kasong arson na isasampa laban sa kanya? Ano ang magiging reaksiyon ni Giselle kapag malaman na ama ni Sherry ang doctor na oopera sa kanyang lola? Ano ang mangyayari kapag nagkita sina Giselle at Nico pagkatapos ng 13 taon? May kalayaan na ba silang mahalin ang isa’t isa?

Huwag palalampas­in ang Doctor Crush, simula ngayong gabi na pagkatapos ng Since I Found You.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines