Balita

Aktor na paiba-iba ang mood, wala nang gustong makipagtra­baho

- Ni REGGEE BONOAN

MUKHANG matatagala­n bago mapanood ulit sa mga teleserye at pelikula ang isang aktor na inirerekla­mo ng TV at movie producers ang masamang ugali.

Ayon sa TV executive, pahinga muna ang aktor sa unit nila at mga bagong mukha muna ang gusto nila.

“As of now wala akong puwedeng ibigay sa kanya kasi hindi bagay or bluntly kong sasabihin na pahinga muna siya. Nahirapan kasi kami sa kanya sa huling teleserye niya sa amin,” pag-amin ng kausap naming bossing ng isang network.

“Naku, pasaway siya,” hirit ng movie producer. nahihirapa­n ang production staff sa kanya. Inirerekla­mo siya sa akin, hindi ko naman puwedeng i-pullout kasi isa siya sa bida. Walang kuwestiyon sa pag-arte, marunong naman, ‘kaso ‘yung ugali, hindi maganda. Aanhin mo ang magaling na artista kung pasaway naman? Doon na lang ako sa hindi pasaway at hindi masyadong magaling na eventually matututo rin. Ayoko sa may attitude, mahirap katrabaho, mamalasin ang pelikula.”

Maging ang ka-love team ng aktor, ayaw na rin siyang katrabaho dahil sa paiba-ibang mood na depende yata sa panahon kaya mahirap pakibagaya­n.

In fairness, wala namang bisyo ang aktor, hindi naninigari­lyo at umiinom lang kapag may okasyon

“’ Yung temper niya hindi niya makontrol minsan. Parang laging may kaaway. Kapag walang topak, sobrang okay as in akala mo anghel sa bait,” sabi ng artistang nakatrabah­o ng aktor.

Isinasama-sama muna ang aktor sa mga mall show, pero kapag type lang niya dahil umaangal kapag masyadong malayo at hindi feel ang mga kasama.

Ganu’n? Choosy pa, e, malamlam na nga ang career niya.

“I think he needs to visit a profession­al ( psychiatri­st) kasi baka may mga problema siya na hindi niya mailabas. Lagi kasi siyang gigil, eh,” kaswal na sabi ng taong nakatrabah­o ng aktor.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines