Balita

Janella at Jameson, pang-millennial­s ang pelikula

- Ni NORA CALDERON

FIRST team-up nina Janella Salvador at Jameson Blake ang So Connected, latest millennial movie ng Regal Entertainm­ent na sinulat na idinirihe ni Jason Paul Laxamana.

Ilang movies na ang nagawa ni Janella na palaging ang ka-love team na si Elmo Magalona ang katambal niya kaya nagulat ang fans nila nang bigyan ng bagong leading man si Janella. Kaya si Direk Jason ang nausisa kung nakitaan ba niya ng chemistry ang kanyang dalawang bida.

“I don’t believe in chemistry, I believe in acting,” sagot ni Direk Jason. “Pero yes, sa look test pa lang nina Janella at Jameson, nakita ko na ang natural chemistry nila. At later, nakita ko namang pasado silang dalawa sa acting.”

Ano ang impression nina Janella at Jameson sa isa’t isa?

“He’s very nice, actually,” sagot ni Janella. “Wala akong problema working with Jameson, kasi very light lang ng aura niya, good vibes lang at masaya siya to work with. May konting adjustment­s on my part dahil nga nasanay na ako sa isang leading man, pero siyempre, it’s also nice to try something new, good growth din for me as an actress.”

“Matagal ko nang wish na makatrabah­o si Janella,” sabi naman ni Jameson. “At tama pala, may similariti­es kami, shy and quiet kasi ako. Pero si Janella, hindi maarte, masarap siyang kausap, kaya kung dati mahiyain ako, natuto na akong maging sociable ngayon, I enjoyed working with Janella.”

Inamin nina Janella at Jameson bina-bash sila ng ilang ElNella fans, kaya nakikiusap silang sana ay maintindih­an na trabaho nila ito. Ayon kay Janella, may bago siyang katambal at nakakiusap siya na huwag namang mag-tweet ng harsh words ang kanyang supporters. Hindi raw niya maiwasang makaramdam din ng tampo sa kanila.

Naiintindi­han ni Jameson ang feelings ng fans, pero sana raw ay huwag magpo-post ng masasamang salita at suportahan na lamang sila.

Sa kuwento ng So Connected, si Janella ay si Trisha, self-supporting young woman, na naghahanga­d makatulong sa kanyang pamilya, mature at jologs. Masaya si Janella dahil nailabas daw niya rito ang tunay niyang character offcamera. Si Jameson naman ay si Karter, video editor ng isang web channel na na-in love sa complete stranger na si Trisha, pagkatapos niyang mapanood ang buhay nito sa videos na ginawa niya.

Kasama rin sa cast sina Ruby Rodriguez, Rolando Inocencio, Cherise Castro, Kystal Brimmer, Paulo Angeles, VJ Mendoza, Chai Fonacier, Rafael Sudayan at mapapanood na simula sa May 23 in cinemas nationwide.

 ??  ?? Jameson at Janella
Jameson at Janella

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines