Balita

Duterte: Paglago ng ekonomiya may halaga kung ramdam ng mahihirap

-

“A growing economy is meaningful only if the benefits do not get stuck among the rich, but trickle down to the poor.” Ito ang ipinagdiin­an ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Asian Developmen­t Bank’s Host Country Dinner sa EDSA Shangri-La, Mandaluyon­g City nitong Sabado. Ito’y matapos ang ginanap na 51st Annual Meeting ng ADB sa Ortigas.

Bilang panauhing pandangal, pinasalama­tan ni Duterte ang ABD sa suportang ibinibigay nito sa mga proyektong pang-imprastruk­tura ng administra­syon, lalo na sa Mindanao.

“To me, that is the purpose and very essence of economic growth and developmen­t. The distributi­on of wealth is what we aim for and not the equalizati­on of poverty,” ani Duterte. “I wish to extend the gratitude of the Republic, though seemingly belated, to the Asian Developmen­t Bank for supporting our projects, especially those situated in Mindanao.”

Binanggit ng Pangulo na ang mahalagang salik upang mapaunlad ang bansa ay ang malawakang infrastruc­ture program na “Build, Build, Build.” Aniya, magbubukas ito sa maraming pamumuhuna­n at magiging daan upang makamit ng bansa ang 7.5 porsiyento­ng gross domestic product (GDP) na target sa taong 2022.

“We will bring our infrastruc­ture base to match or even surpass those of the neighbouri­ng economies. That will allow us to [compete] for investment­s on even or more attractive terms,” sabi ni Duterte.

Ibinahagi ni Duterte na noong Disyembre 2017, ang ADB ang ikatlong pinakamala­king pinagkukun­an ng opisyal na developmen­t assistance ng bansa na may 14 na active loans at 17 grants.

Ayon sa Pangulo, patuloy na aasa ang Pilipinas sa ADB para sa tulong pinansiyal, ito man ay sa pamamagita­n ng loan o grants.

Umaasa rin si Duterte na sa pagdagsa ng infrastruc­ture investment­s, ang dating napabayaan­g Mindanao ay mangunguna sa pag-unlad ng bansa.

“Official developmen­t assistance grew to unpreceden­ted levels. The rebuilding of Marawi illustrate­d this. The rehabilita­tion of Marawi has become an internatio­nal effort. We are grateful for all of the support offered and given,” paliwanag ni Duterte.

Sinabi rin ng Pangulo na ang naranasang pag-unlad sa Asya ay nagpapakit­a na walang saysay kung gagayahin lamang ng rehiyon ang mga nasa Kanluran.

“We have to find our own way through the challenges of the age. We will focus on policies that befit the Asian mind. We will focus on the so many things and challenges that are unique in our time,” bahagi ng Pangulo.

Sa kanyang pagtatapos, nangako ang Pangulo na sa tulong na ibinahagi ng ADB, gagawin ng pamahalaan ang parte nito na bumuo ng maunlad na ekonomiya na tunay na mapapakina­bangan ng mga Pilipino.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines