Balita

Spice Girls, magre-reunite uli

-

MULING magtitipun-tipon ang Spice Girls ngayong linggo, ayon kay Mel B.

Ginulat ng Wannabe hitmakers ang kanilang fans noong unang bahagi ng taon, nang magsama-sama silang lima para sa kanilang business brunch meeting sa bahay ni Geri Horner sa Britain, upang pag-usapan ang kanilang legacy at ilang bagong proyekto.

Hindi kailanman isinapubli­ko ng singers ang kanilang plano, ngunit itinanggi ni Victoria

Beckham ang usap-usapan na maglalabas sila ng bagong awitin at magkakaroo­n ng world tour.

At ngayon ay nakatakda na uli ang kanilang susunod na meeting, at nag-share pa si Mel B ng throwback photo ng grupo, ang 1997 Rolling Stone magazine cover shot, sa social media kasama ang caption na: “Can’t wait to see my girls next week yipppeeee #girlpower #friendship­neverends...”

Usap-usapan na bobosesan ng bandmates ang mga karakter na batay sa kanilang sarili sa upcoming animated movie, samantalan­g ayon sa ilang reports ay nais ng grupo na maglunsad ng isang global TV talent show, upang maghanap ng bagong girl power band.

Samantala, may report na hinihingia­n si Mel B at kanyang ex-husband na si Stephen Belafonte ng tax na umaabot sa $274,000 (GBP202,000).

Nitong nakaraang buwan, nagsumite ang mga opisyal sa State of California’s tax board ng lien laban sa Spice Girls star at sa producer, dahil sa umano’y hindi pagbabayad ng tax mula pa noong 2016, ayon sa The Blast.

Ang usapin tungkol sa tax ang magiging daan para magtulunga­n ulit ang nag-aaway na ex-couple para sa kustodiya ng kanilang biological daughter at ng anak ni Mel kay

Eddie Murphy, na tinulungan­g palakihin at arugain ni Belafonte.

Naghiwalay ang dating mag-asawa nitong nakaraang taon, at patuloy pa rin ang laban nila sa korte, ulat ng Cover Media.

 ??  ?? Spice Girls
Spice Girls

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines