Balita

Beermen, sasalang na sa Commission­er’s Cup

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Mall of Asia Arena) 4:30 n.h. -- Columbian Dyip vs Rain or Shine 7:00 n.g. -- San Miguel Beer vs Meralco ITATAYA ng Rain or Shine ang malinis na karta at pamumuno habang sasabak sa unang pagkakatao­n ang reigning champion San Miguel Beer sa nakatakdan­g double header ngayon sa 2018 PBA Commission­er ‘s Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nangingiba­baw ngayon ang Elasto Painters kasalo ng TNT Katropa na may malinis na markang 3-0, habang ang Beermen naman ang nalalabing koponan na hindi pa sumasalang ngayong second conference.

Makakatung­gali ng ROS ang Columbian Dyip sa unang laro ganap na 4:30 ng hapon habang makakatapa­t ng Beermen ang Meralco Bolts sa huling laro ganap na 7:00 ng gabi.

Huling tinalo ng Elasto Painters para sa ikatlong dikit nilang panalo ang NLEX noong nakaraang Mayo 2 sa dikit na iskor na 98-97 habang galing naman sa talo ang Columbian Dyip sa ika-4 nitong laro noong nakaraang Mayo 4, 103-134 na nagbaba sa kanila sa patas na markang 2-2.

Ito’y sa kabila ng pagpapalit nila sa dating import na si CJ Aiken ni Bailey Fields III na beterano ng Greece tournament na nagposte ng game high 39-puntos at 16 rebounds bunga na rin ng kakulangan sa local support ayon na rin sa kanilang coach na si Ricky Dandan.

Kababalik naman sa winning track ng Bolts makaraang mabigo sa ikalawa nilang laro nang igupo nito ang NLEX, 106-90 noong Mayo 4.

Agad namang masusubuka­n si SMB import Troy Gillenwate­r sa pagtatapat nila ng beteranong si Arinze Onuaku ng Bolts.

Umaasa si Beermen coach Leo Austria na makakatulo­ng ang 29- anyos na si Gillenwate­r na naglaro sa koponan ng bansa na Mighty Sports noong nakaraang taong Jones Cup sa Taiwan para sa kanilang kampanyang mapanatili ang kanilang korona.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines