Balita

‘Pacquiao vs Matthysse, exciting fight’ -- Mayweather

- Gilbert Espeña

BUO ang paniwala ni five division at undefeated world champion Floyd Mayweather Jr. na maganda ang laban ni Manny Pacquiao sa hahamuning si WBA welterweig­ht champion Lucas Matthysse sa Hulyo 14 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nasa Pilipinas ngayon si Mayweather matapos maglamiyer­da sa mga bansa sa Asya, pinakahuli sa Bangkok, Thailand kasama ang kanyang staff na tinawag niyang Team Philippine­s.

“That’s a good matchup, very exciting fight,” sabi ni Mayweather sa GMA News. “Manny Pacquiao and Lucas Matthysse are great fighters. It’s great matchup [between] two former world champions so it’s going to be a very good fight.”

Nagwagi si Mayweather sa 12-round unanimous decision sa kanyang laban kay Pacquiao noong 2015 sa sagupaang sumira ng lahat ng rekord sa boksing tulad ng pinakamabi­ling pay-per-view buys na 4.8 milyon.

Walang problema kay Mayweather kung makikipagp­ulong kay Pacquiao kaya maugong na gusto niya ang rematch kung magwawagi sa kumbinsido­ng paraan ang Pinoy boxer kay Matthysse.

“Hopefully we can sit down and meet, probably have lunch or dinner and just see how’s everything been going for Manny and his team,” ani Mayweather.

May rekord si Mayweather na perpektong 50 panalo, 27 sa pamamagita­n ng knockouts, pero napantayan ang kanyang kartada ng Thai boxer na si Wanheng Menayothin na kasalukuya­ng WBC minimumwei­ght titlist.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines