Balita

Comelec, DepEd may ‘good news’ sa teachers

- Merlina HernandoMa­lipot at Bert De Guzman

Nagpahayag kahapon ng pag-asa si Education Secretary Leonor Briones na magkakaroo­n ng positibong tugon ang kanyang apela na huwag nang buwisan ang honoraria ng mga guro na magsisilbi sa eleksiyon sa Mayo 14.

Sa press briefing sa Senior High School (SHS) program, sinabi ni Briones na magdadaos ang Department of Education (DepEd) at Commission on Elections (Comelec) ng joint press conference bukas, Mayo 11, para sagutin ang mga isyu at iba pang katanungan ng mga guro na magsisilbi sa halalan.

Nauna rito ay umapela si Briones sa Comelec na huwag nang buwisan ang kakarampot na allowance ng mga guro na magsisilbi sa halalan.

Hindi man niya inihayag ang resulta ng kanyang apela sa Comelec, sinabi ni Briones na may “good news” sila para sa guro.

Suportado ng mga kongresist­a, sa pangunguna ni House Committee on Appropriat­ions Chairman Davao City Rep. Karlo Nograles, ang apela ng mga guro na huwag nang kaltasan o buwisan ang honorarium at allowances na ibibigay sa kanila sa pagsisilbi sa Barangay at Sanggunian­g Kabataan Elections (BSKE) sa Lunes.

“I am backing the call of Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones for tax-free allowances and other renumerati­on for our public school teachers. During election season, no group of people in government sacrifices more than them; they deserve it,” ani Nograles.

Sinabi ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na babawasan ng 5 porsiyento ang honoraria at transporta­tion allowances ng mga guro na magsisilbi­ng electoral board sa BSKE.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines