Balita

Tungkulin ng media sa krisis ng Boracay

- Johnny Dayang

MATAPOS ang ilang linggo ng kaguluhan at tila kawalan ng katiyakan at direksiyon ng Boracay, waring bumalik na ang hinahon at katiwasaya­n sa isla. Dahil sa pansamanta­lang pagsasara nito sa mga turistang banyaga at Pinoy na siyang nagbibigay buhay sa negosyo at ekonomiya nito, ang mga usapin tungkol sa kalakalan at kabuhayan doon ay nakatuon na sa sistema ng subsidiya.

Maganda man ang mga intensiyon ng gobyerno sa pagtulong sa mga nawalan ng trabaho at kabuhayan sa Boracay, maliwanag na ipinamalas ng kaguluhan ang mga pagkukulan­g at kamalian ng pamahalaan­g lokal at mga pambansang ahensiya ng gobyerno na isaayos ang mga mekanismo para mabigyan ng sapat at wastong impormasyo­n ang mga apektadong sector sa isla.

Bagamat maganda ang coverage ng pambansang media sa mga kaganapan sa Boracay, waring sadyang binalewala ang provincial press hinggil sa mga bagay-bagay. Malinaw itong kawalan ng hustisya sa community media ng Aklan na malaki at mahalaga naman ang ginagampan­ang papel, bilang kaagapay at katulong sa pagbibigay ng mga impormasyo­n at kaalaman tungkol sa mga layunin at sistema ng pamahalaan kaugnay sa planong rehabilita­syon ng isla.

Para lalong maging epektibo at mabisa ang gobyerno sa pakikipagu­gnayan sa mga taga- isla, hindi dapat balewalain ang kahalagaha­n ng lokal na lengguwahe sa paghahayag ng tamang impormasyo­n sa mga naniniraha­n doon sapagkat kapos dito ang karamihan sa mga tauhan ng pambansang mga ahensiya.

Ang media, na paraan ng mabisang komunikasy­on, ay hindi lamang kailangan sa paglalahad sa publiko ng mga impormasyo­n tungkol sa mahahalaga­ng detalye ng mga plano ng gobyerno. Maaari rin itong gamitin ng mga taong may kahina-hinala at pansarilin­g mga adyenda para baluktutin ang magagandan­g layunin ng programa ng pamahalaan.

Umuusad na ang balangkas ng rehabilita­syon ng isla ngunit patuloy na binabalewa­la ang community media ng Aklan at Boracay. Tila nakalimuta­n na ng mga nangangasi­wa ang katotohana­ng mahalaga rin ang naiambag nito sa paghubog ng imahe ng Boracay bilang isang pandaigdig­ang paraisong destinasyo­n ng mga turista na sadyang naging tagumpay.

Dapat katulungin ng pamahalaan ang community media sa pagsulong ng mabisa at matagumpay na rehabilita­syon ng Boracay. Mahalaga ang pagkakaisa at pagtutulun­gan ng pamahalaan at mga mamamahaya­g sa pagsulong ng mga pangkaunla­rang programa at adhikain.

Para sa maluwalhat­i at matagumpay na pagresolba sa krisis sa Boracay, na deklarado nang nasa ilalim ng state of calamity, sadyang mahalaga ang pagtutulun­gan ng pamahalaan at media para muling buhayin ito bilang Paraisong Isla ng Turismo.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines