Balita

PH-Kuwait MOU pipirmahan ngayon

Posibleng malalagdaa­n ngayong araw ang memorandum of understand­ing (MOU) sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at nga Kuwait, na magkakaloo­b ng mga karagdagan­g proteksiyo­n sa overseas Filipino workers (OFWs).

- Nina ROY C. MABASA at LEONEL M. ABASOLA

Pero bago nito, nakatakda munang makikipagp­ulong si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa kanyang mga katapat sa Kuwait.

“Just before the dinner tonight, we will have a bilateral meeting with the (Kuwait) foreign minister, my counterpar­t. Afterwards, if everything’s okay, then we will push through with the signing of the MOU,” sinabi kahapon ni Cayetano sa mga mamamahaya­g sa mabilisan niyang pagbisita sa Saudi Arabia.

Nitong Miyerkules ng gabi, ipinahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na posibleng maganap ang pirmahan ng MOU ngayong Biyernes, Mayo 11. Kapag natuloy, sinabi ni Bello na ang initial outcome ng kasunduan ay maaaring magbigay daan para sa partial lifting ng deployment ban ng OFWs sa Kuwait.

Nagpahayag ng kasiyahan si Cayetano sa bunga ng pagbisita ni Bello sa Kuwait kasunod ng pagbuo ng isang special unit ng Kuwaiti police na maaaring tawagan ng Philippine Embassy para tugunan ang mga reklamo ng posibleng pang-aabuso sa OFWs.

Magtatayo rin ang Kuwaiti government ng 24-hour hotline na maaaring tawagan ng distressed OFWs para sa oras ng pangangail­angan.

Ipinunto ni Cayetano na ang mga inilalatag na mekanismon­g ito ay makatutulo­ng upang maiwasan ang mga hindi pagkakauna­waan sa hinaharap sa oras na kakailanga­nin ang quick response, “they will not say that we’re taking the law into our own hands.”

“On the other hand, OFWs will always feel that they can call someone at the Embassy and act right away,” ani Cayetano.

Umaasa naman si Senator Joel Villanueva na magiging maayos na ang kalagayan ng OFWs sa pagpirma ng MOU.

“We hope this landmark developmen­t marks the start of a better era for our kababayans and diplomatic relations with Kuwait,” ani Villanueva.

 ?? COMEBACK KID REUTERS/Lai Seng Sin ?? Nagsasalit­a si Mahathir Mohamad, dating Malaysian prime minister at kandidato ng oposisyon, sa news conference matapos ang general election, sa Petaling Jaya, Malaysia, kahapon. Sa edad na 92 anyos, nakatakda siyang manumpa bilang world’s oldest...
COMEBACK KID REUTERS/Lai Seng Sin Nagsasalit­a si Mahathir Mohamad, dating Malaysian prime minister at kandidato ng oposisyon, sa news conference matapos ang general election, sa Petaling Jaya, Malaysia, kahapon. Sa edad na 92 anyos, nakatakda siyang manumpa bilang world’s oldest...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines