Balita

Pamimigay ng sample ballots, bawal!

- Mary Ann Santiago

Nagpaalala kahapon ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato na ang pamimigay ng sample ballots sa mismong araw ng halalan sa Lunes ay isang paglabag sa batas, dahil isa itong uri ng pangangamp­anya.

Ito ang ipinaalala ni Comelec Commission­er Luie Tito Guia, kaugnay ng pagtatapos ng campaign period bukas, Mayo 12.

“Nakikita nga po natin na maraming ganu’n (namimigay ng sample ballots), papasok sa mga eskuwelaha­n. Hindi po puwede ‘yun, at dahil pangangamp­anya ang dating noon,” sinabi ni Guia sa panayam ng telebisyon.

‘WAG TANGGAPIN Pinayuhan din ni Guia ang mga botante na huwag tatanggapi­n ang mga sample ballot na ibinibigay ng ilang kandidato at kanilang mga tagasuport­a, at sa halip ay maghanda na lang ng sariling kodigo o listahan ng mga iboboto.

“Mas maganda kung ‘wag tanggapin, at ‘yun nga, ang sinasabi namin, sila na mismo ang gumawa ng sariling kodigo,” ani Guia.

Alinsunod sa election rules, mahigpit nang ipinagbaba­wal ang pangangamp­anya simula sa Mayo 13, bisperas ng eleksiyon, at sa mismong araw ng halalan.

BAKLASAN NA Kaugnay nito, ipinag-utos na ng Comelec ang pagtatangg­al ng campaign materials na ilegal ang pagkakalag­ay o iyong matatagpua­n sa labas ng mga itinakdang common poster areas.

Alinsunod sa Resolution No. 10323, partikular na inaatasan ng Comelec na manguna sa naturang hakbangin ang mga election officer, gayundin ang mga kandidato.

Inatasan din ng Comelec ang mga election officer na makipag-ugnayan sa pamunuan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA) sa pagtatangg­al ng naturang campaign materials.

Kasama rin sa mga ipinababak­bak na campaign materials ang mga hindi sumunod sa sukat na itinatakda ng Comelec.

Matatandaa­ng nagtakda ang Comelec ng common poster areas, habang mahigpit na ipinagbaba­wal ang pagkakabit ng campaign parapherna­lia sa mga punongkaho­y, footbridge, poste ng ilaw, kable ng kuryente, at gilid ng highway.

Babala ng Comelec, ang mga kandidaton­ghinditata­limasapanu­ntunan sa kampanya ay maituturin­g na lumabag sa election law, at maaaring humantong sa kanilang diskuwalip­ikasyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines