Balita

We’re all happy --Benjie Paras

- Ni ADOR SALUTA

NAKAPANAYA­M

ng GMA News si Benjie Paras at hiningan ng pahayag tungkol sa reconcilia­tion ng dati niyang asawang si Jackie Forster at ng kanilang dalawang anak na sina Andre, 22 at Kobe

Paras, 20 . “Tapos na po ang issue,” maikling tugon ng dating basketball superstar at comedian.

Bagamat matipid ang pahayag, damang- dama namang masaya siya sa pagkakaayo­s ng mag-iina.

“So, iyon po, narinig n’yo na po sa kanila, we’re all happy,” sabi ni Benjie na suking aktor ngayon ng ilang Kapamilya series.

Nauunawaan naman daw niya ang nangyari pagkatapos ilahad nina Andre at Kobe ang kanilang saloobin sa pagbabati nila ng kanilang ina.

Ayon sa magkapatid, pagpapataw­ad ang naging susi sa muling pagkakasun­do nila.

Ayon kay Kobe, marami nang bagyong pinagdaana­n ng kanilang pamilya, ngunit dumating sa punto na untiunti nilang niyakap ang pagpapataw­ad.

“At least now, we’ve realized that we’re grown and we’ve been through a lot na,” ani Kobe. “You know, it’s time to forgive our mom. At least, we’re all happy.”

Ayon naman kay Andre, nag-mature na silang magkapatid kaya hinayaan na sila ng kanilang ama na gumawa ng sarili nilang desisyon.

Paliwanag ng nakakatand­ang anak, “Like what Kobe said, we’re more mature now and it’s our decision naman nung bata kami, you know.

“Dad was also there to respect our decision. So now, I believe it’s the right age, 20 and 22, mature na po kami.”

Pinasalama­tan din ng dalawa ang kanilang stepmother na si Lyxen Diomampo na naiintindi­han din ang kanilang desisyon.

 ??  ??
 ??  ?? Andre, Kobe at Benjie
Andre, Kobe at Benjie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines