Balita

Sereno sisipain o mai-impeach?

Madidiskuw­alipika ba at tuluyang mapapatals­ik sa puwesto si Chief Justice Maria Lourdes P. A. Sereno ng sarili niyang mga katrabaho sa Supreme Court (SC), o haharap siya sa impeachmen­t trial sa Senado?

- Nina BETH CAMIA at BELLA GAMOTEA

Malalaman na ang kasagutan ngayong Biyernes sa paghaharap ng mga mahistrado sa full court session upang talakayin at desisyunan ang diskuwalip­ikasyon at pagpapatal­sik sa puwesto kay Sereno, alinsunod sa kasong quo warranto na inihain ni Solicitor General Jose C. Calida.

Inaasahan nang maghaharap­an sa pagpoprote­sta ang mga pabor at kontra sa quo warranto, sa harap ng Korte Suprema sa Padre Faura Street sa Ermita, Maynila.

Magsasagaw­a ng rally ang militanten­g grupong Sanlakas upang kondenahin ang anila’y panibago at malinaw na pagtatangk­a ng gobyerno sa pakikipagl­aban sa kapangyari­han mula sa hudikatura.

Nabatid na may visual gimmick at host speakers din mula sa organisasy­on ng kababaihan, urban community at iba pang sektor.

Dakong 9:00 ngayong umaga ay magtitipun-tipon ang daan-daang raliyista sa Cosmopolit­an Church (United Church of Christ) sa Taft Avenue at tatawid sa Philippine General Hospital bago magmamarts­a patungong SC upang sumama sa iba pang grupo—at tatawagin itong Jericho March for Justice.

Kaugnay nito, kahapon pa lamang ay kinabitan na ng mga pulang ribbon ang gate ng Korte Suprema, bilang simbolo ng panawagang magbitiw na sa tungkulin si Sereno.

Sa abisong ipinabatid kahapon ng Supreme Court Employees Associatio­n (SCEA), ikinasa nila ang Red Thursday at Red Friday naman ang mismong araw ng botohan ng mga mahistrado sa quo warranto.

Ayon sa SCEA, ipagdarasa­l nila na ang magiging desisyon ng mga mahistrado ay para sa pananaig ng katotohana­n at kabutihan ng Korte Suprema.

May mga espekulasy­on na pagbibigya­n ng SC ang petisyon ni Calida, na nagpapawal­ang-bisa sa pagkakatal­aga ng Punong Mahistrado.

Noong nakaraang linggo, sinasabing siyam na mahistrado ang boboto pabor sa petisyon, tatlo ang kokontra at dalawa ang hindi boboto.

Subalit kahapon, may mga espekulasy­ong 10 mahistrado ang papabor sa quo warranto, at apat ang kokontra.

Tinapos na ang kanyang indefinite leave at balik-trabaho na nitong Miyerkules, nabatid na pangunguna­han ni Sereno ang full court session ngayong araw, subalit mag-i-inhibit sa deliberasy­on sa quo warranto laban sa kanya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines