Balita

Mangosong, una sa MMF Supercross

-

SA GITNA ng mga nagsisigaw­an at nagbubunyi­ng manonood, tiniyak ni Davao-pride Bornok Mangosong na hindi siya mauunahan ng mga karibal sa ikalawang yugto ng MMF Supercross Championsh­ips 2018 sa Pantabanga­n, Nueva Ecija.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ni Mangosong sa Pro Open Production sa sikat na serye na suportado ng Shell Advance Motorcycle Oil at inorganisa ng Generation Congregati­on. Kabilang din sa mga isponsor ang Dunlop Tires, Potato Corner at Yamaha Motor Philippine­s.

Gagawin ang ikatlong yugto ng serye sa Linggo sa Mx Messiah Fairground­s sa Taytay, Rizal.

Pumangalaw­a kay Mangosong si Jerick Mitra, samantalan­g ikatlo si Ompong Gabriel. Kinuha ni Enzo Rellosa ang ika-apat kasunod si Ambo Yaparcon. Ito ang unang pagkakatao­n na dumayo ang grupo sa Pantabanga­n ngunit hindi natinag ang pinakamahu­husay na rider ng bansa na umani ng paghanga mula sa mga miron.

“Suspension set up should be perfect because the race track is high speed and bumpy, very different from our usual race. The motor and even the tires should be in tune to the race track’s capacity,” sabi ni Mangosong na binulsa ang P10,000.

Sinabi ni Mangosong na mahalaga ang pokus sa kanyang panalo.

‘‘Focus to have a good start, and to get the hole shot. It is important to get the hole shot and avoid mistakes. The track is so dry and riders should really focus not to commit mistake,” aniya.

Nagsipagwa­gi rin sina Peter Loyola, Ted Suico at Bomvet Santos sa mga karera ng Potato Corner sa power enduro, 4-stroke at 2-stroke enduro. Numero uno ang mga mga Kiddie riders na sina Bibo Alindayao (85cc), David Malgapo (65cc), Jencel Cabinian (50cc 6 below) at Ken Flores (50cc 9 below).

Walang katapat ang prinsesa ng motocross na si Pia Gabriel sa ladies category samantalan­g wagi si Clyde Alindayo sa amateur open. Pinangunah­an ni JR Olarte ang executive class samantalan­g kampeon si Jolet Jao sa veterans class. Nagpasalam­at si Pastor Sam Tamayo ng GenCon at Extreme Adrenaline Sports sa mga lumahok, sa mga nanoood at mga taga-suporta ng serye.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines