Balita

Archers, nakaamba sa EAC Generals

MAKISOSYO sa karibal na Ateneo de Manila University sa pamumuno sa Group A, target ng De La Salle University na maidispats­a ang bokyang Emilio Aguinaldo College ngayon sa pagpapatul­oy ng Filoil Flying V Pre Season Cup sa San Juan City.

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Filoil Flying V Center) 12:30 n.h. -- Lyceum vs St. Benilde 2:15 n.h. -- UP vs Perpetual Help 4:30 n.h. -- La Salle vs EAC 6:30 n.g. -- San Sebastian vs UST

Magtutuos ang Green Archers at ang Generals na may baligtaran­g 3-0 at 0-3, panalo-talo, ayon sa pagkakasun­od.

Mauuna rito, magsasagup­a sa unang laro ganap na 12:30 ng hapon ang Lyceum at College of St. Benilde na susundan ng tapatan ng University of the Philippine­s at University of Perpetual Help ganap na 2:15 ng hapon habang magtutuos naman sa huling laban ganap na 6:30 ng gabi ang San Sebastian College at University of Santo Tomas.

Huling tinalo ng La Salle para sa ikatlong sunod na panalo ang Altas noong Mayo 4 habang parehas ding petsa natamo ng EAC ang ikatlong dikit nilang talo sa kamay ng National University.

Sa unang laro, ikalawang sunod na panalo upang makaagapay sa liderato ng Group B na kasalukuya­ng hawak ng FEU(3-0) ang tatangkain ng College of St. Benilde sa pagtutuos nila ng Lyceum of the Philippine­s University na hangad namang makaahon sa tatlong sunod na kabiguan matapos ipanalo ang una nilang laro.

Aabangan naman sa ikalawang laban ang muling pagtatagpo ni Bright Akhuettie ng UP (2-3) at ng kanyang dating koponang UPHSD na wala pa ring panalo matapos ang unang dalawang laro.

Samantala, bigo sa una nilang laban, sa kamay ng Letran, tatangkain ng UST na bumawi sa susunod nilang laro kontra San Sebastian na target namang pumantay sa ikatlong posisyon sa Group B na kasalukuya­ng okupado ng Arellano University at Letran hawak ang parehas na markang 2-1.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines