Balita

BOTO MO, NOT FOR SALE!

Upang magkatraba­ho o makabili ng kahit ano, atbp. basahin – Manila Bulletin Advertisem­ents & Classified Ads

- MONKEY MOMMY KEVIN TRISTAN ESPIRITU

Masuyong pinoprotek­tahan ng unggoy ang kanyang anak mula sa mababangis na hayop kaya naman lagi niyang bitbit ito saan man siya magpunta sa kagubatan ng Bud Bongao sa Tawi-tawi. Ipinagdiri­wang ngayong Linggo ang Mothers’ Day.

Hinimok kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na tanggihan ang anumang paraan ng votebuying ng mga kandidato sa Barangay at Sanggunian­g Kabataan elections bukas.

Dahil dito, sinabi ni PNP chief Director General Oscar Albayalde na kasama ng 160,000 pulis na magbibigay ng seguridad sa halalan ang mga undercover agent na manghuhuli ng mga kandidaton­g mamimili ng boto.

“This is what we expect every election and reports are coming in left and right as early as now about the votebuying of some candidates, the local chief executives. It will go intense especially during the day of the elections,” sabi ni Albayalde.

Pinayuhan din niya ang publiko na piliing mabuti ang mga iboboto, at tumangging ibenta ang kanilang mga boto na katumbas ng paglalagay sa alanganin sa kinabukasa­n ng kanilang mga barangay kapalit ng maliit lang naman na halaga.

“It seems there’s nothing new here [with vote-buying] and I think we should effect a change. I think we should have an internal cleansing of those running and incumbent local leaders,” ani Albayalde.

Samantala, inihayag naman ni PNP spokespers­on Chief Supt. John Bulalacao na umakyat na sa 27 ang mga nasawi sa mga insidenten­g may kinalaman sa eleksiyon.

Ayon pa sa kanya, 86 na katao na ang suspek sa mga nasabing insidente, bagamat tatlo lamang sa mga ito ang naaresto—at 23 lamang ang tukoy ang pagkakakil­anlan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines