Balita

Customs official, 2 pa, timbog sa R3- M alahas

- Ni BETHEENA KAE UNITE

Arestado ang tatlong suspek, kabilang ang isang Customs official, matapos umanong magsabuwat­an na makapagpus­lit ng halos dalawang kilo ng alahas, na nagkakahal­aga ng P3 milyon, sa bansa sa pamamagita­n ng Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA) Terminal 3.

Kinilala ni Customs Commission­er Isidro Lapeña ang mga suspek na sina NAIA Customs Operations Officer V Lomontod Macabando, nakatalaga sa arrivalare­angNAIATer­minal3;Abraham Mimbalawag; at Bang-sa Mimbalawag.

Ayon sa Customs agents, dumating sina Abraham at Bang-sa sa Terminal 3, Port of NAIA sakay sa Cebu Pacific Air Flight No. 5J015 mula sa Dubai noong Mayo 5, 2018.

Ayon kay Lapena, noong araw na iyon ay napansin ng on-duty customs examiner ang pag-abot ng isang pasahero ng itim na clutch bag kay Macabando, na kalaunan ay nagmadalin­g lumabas mula sa Customs Arrival Area, Terminal 3.

Gayunman, tinangkang pigilan ng customs personnel si Macabando ngunit nabigo, kaya nagpasaklo­lo na lamang sa security personnel.

“Macabando was finally accosted and was eventually convinced to go back in the Customs Arrival Area and return the subject clutch bag to the owner thereof,” sabi ni Lapeña.

Kalaunan ay inamin nina Abraham at Bangsa-an na pag-aari nila ang bag.

Sa inspeksiyo­n, naglalaman ang bag ng 24 piraso ng singsing, 1,029 pares ng hikaw, 155 piraso ng pendants, limang set ng hikaw, 19 na piraso ng bangles, 295 piraso ng chains, at 101 piraso ng porselas.

Ayon sa Customs agents sa NAIA, bigo ang mga suspek na ideklara ang pagpapadal­a ng alahas at magkaloob ng commercial documents o invoice.

Nag-isyu si NAIA District Collector Carmelita Talusan ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) laban sa smuggled jewelry noong Mayo 7, kaugnay ng Section 1113 (Property Subject to Seizure and Forfeiture) ng Customs Modernizat­ion and Tariff Act.

Isinailali­m sa inquest proceeding­s sina Abraham, Bang-sa, at Macabando sa Pasay City Prosecutor’s Office noong Mayo 6, ngunit pinalaya matapos ikulong sa airport detention facility.

Itinakda ang preliminar­y investigat­ion sa Mayo 15 at 22, 2018.

Bukod diyan, kinasuhan din ang mgasuspekn­gpaglabags­aSections1­401 (Unlawful Importatio­n or Exportatio­n); 1402 (Failure or Refusal of Party to Give Evidence or Submit Documents for Assessment); at 1404 (Failure to Declare Baggage) in relation to Section 1113 (Property Subject to Seizure and Forfeiture) ng CMTA; at Grave Coercion sa ilalim ng Article 286 ng Revised Penal Code.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines