Balita

SC ruling vs Sereno, ipababawi ng IBP

- Beth Camia at Mary Ann Santiago

Magsasampa ng motion for reconsider­ation (MR) ang Integrated Bar of the Philippine­s (IBP) upang mabaligtad ang desisyon ng Supreme Court (SC) na pumabor sa quo warranto petition laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Inihayag ni Atty. Domingo Cayosa, executive vice president ng IBP, na nakababaha­la ang desisyon ng walong mahistrado dahil binalewala umano ng mga ito ang principle of fairness, at pinairal umano ang personal na galit kay Sereno.

Giit ni Cayosa, hindi rin maaaring agad na tanggalin sa puwesto si Sereno dahil mayroon itong 15 araw para maghain ng MR.

Kaugnay nito, sinimulan ng ilang church groups ang pagdaraos ng 10-araw na vigil sa harapan ng Korte Suprema upang ipakita ang kanilang pagtutol sa pagpapatal­sik ng Korte Suprema kay Sereno bilang punong mahistrado, na ayon sa kanila ay hudyat ng pagkamatay ng demokrasya ng bansa.

Nagtipon sa harap ng SC simula nitong Biyernes ng gabi, iginiit ng mga grupong Gomburza at National Secretaria­t for Social Action (NASSA) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine­s (CBCP), na labag sa batas ang quo warranto petition at tanging impeachmen­t ang makapagpap­aalis sa puwesto sa isang punong mahistrado.

Pinatalsik sa puwesto sa botong 8-6 ng mga kapwa niya mahistrado, ibinunyag ni Sereno na tinanggiha­n niya ang alok ni Pangulong Duterte na mag-usap nila.

Hindi binanggit kung sino ang nanghikaya­t sa kanyang makipaghar­ap sa Pangulo, sinabi ni Sereno sa isang panayam na tinanggiha­n niya ang dayalogo dahil ayaw niyang makompromi­so ang pagiging independen­t ng hudikatura.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines