Balita

Parak na ‘tulak’, dinakma

- Franco G. Regala

Hindi na nakapalag ang isang pulisPampa­nga at dalawa pang kasamahan nito nang arestuhin sila ng kanyang mga kabaro sa isang buy-bust operation sa Mabalacat City, Pampanga, nitong Biyernes.

Nasa kustodiya na ng Drug Enforcemen­t Unit (DEU) ng Mabalacat City Police si PO1 Kevin Pierre dela Cruz Aposto, 29, alyas “Apo”, nakatalaga sa Arayat Municipal Police, na naaresto kasama sina Angel Lacson Pabilonia, 39, alyas “Bench”; at Donato De Guzman, 22, alyas “Dondon”.

Naglatag ng anti-illegal drug operation ang mga pulis nang makumpirma nilang matagal na umanong nagbebenta ng droga si Apostol, kasama sina Pabilonia at De Guzman.

Nang maisagawa ang transaksiy­on, kaagad na inaresto ang grupo ni Apostol sa Barangay Dau, Mabalacat City, dakong 2:40 ng hapon.

Iniutos na rin ni Chief Supt. Amador Corpus, Police Regional Office (PRO)-3 director, na sibakin na sa puwesto ang hepe ni Apostol dahil sa command responsibi­lity.

“The PNP does not tolerate irregulari­ties of its members and has zero tolerance and no compromise on our personnel involved in illegal drugs. They will suffer the full consequenc­e of their actions and have no reason to stay as members of our organizati­on,” sabi pa ni Corpus.

Narekober kay Apostol ang siyam na sachet ng shabu, isang .9mm pistol, dalawang magazine nito at mga bala, at iba pang kagamitan.

 ?? APELA VS AIDS CARLO DE VELA ?? Nahaharap na naman sa panibagong kasong kriminal si dating Puerto Princesa, Palawan Mayor Edward Hagedorn makaraang hindi niya isauli sa pamahalaan ang 14 na Armalite rifle kahit natapos na ang kanyang termino noong 2013.
Kinasuhan si Hagedorn ng malversati­on of public property sa 3rd Division ng Sandiganba­yan.
Sa iniharap na charge sheet, tinukoy ni Graft Investigat­ion and Prosecutio­n Officer III Jane Ong na nilabag ni Hagedorn ang Article 217 ng Revised Penal Code (RPC). Nagsindi ng kanila ang mga estudyante, mga non-government organizati­on (NGO), at mga kawani ng pamahalaan upang gunitain ang I nternation­al AIDS Candleligh­t Memorial sa ikatlong Linggo ng Mayo, sa Plaza Independen­cia sa Cebu City. JUAN
APELA VS AIDS CARLO DE VELA Nahaharap na naman sa panibagong kasong kriminal si dating Puerto Princesa, Palawan Mayor Edward Hagedorn makaraang hindi niya isauli sa pamahalaan ang 14 na Armalite rifle kahit natapos na ang kanyang termino noong 2013. Kinasuhan si Hagedorn ng malversati­on of public property sa 3rd Division ng Sandiganba­yan. Sa iniharap na charge sheet, tinukoy ni Graft Investigat­ion and Prosecutio­n Officer III Jane Ong na nilabag ni Hagedorn ang Article 217 ng Revised Penal Code (RPC). Nagsindi ng kanila ang mga estudyante, mga non-government organizati­on (NGO), at mga kawani ng pamahalaan upang gunitain ang I nternation­al AIDS Candleligh­t Memorial sa ikatlong Linggo ng Mayo, sa Plaza Independen­cia sa Cebu City. JUAN

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines