Balita

PH at UAE bilateral relations, muling binuhay

-

Muling pinag- aralan ng Pilipinas at ng United Arab Emirates (UAE) ang bilateral relations nito sa ikinasang 2nd political consultati­ons sa UAE Ministry of Foreign Affairs and Internatio­nal Cooperatio­n, sa Abu Dhabi nitong Mayo 9, iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Nabatid na kapwa co- chair ng naturang pagpupulon­g sina Philippine­s’ Foreign Affairs Undersecre­tary for Policy Enrique A. Manalo at UAE Assistant Foreign Minister for Human Rights and Internatio­nal Law Ahmed Abdul Rahman Al Jarman.

Tinalakay ng dalawang opisyal ang ugnayan ng dalawang bansa na nagsimula noong Hunyo 1980, gayundin ang mga prayoridad at paglago ng Pilipinas at ng UAE maging ang kooperasyo­n sa maraming larangan at dimensiyon.

Bukod dito, pinag-usapan din ang nakabimbin na bilateral agreements ng dalawang bansa.

Sa meeting, binigyangd­iin ng dalawang opisyal ang pangangail­angan na pataasin ang bilateral trade (kalakalan) at investment­s (pamumuhuna­n).

Target naman ng Pilipinas na mapalawak ang economic cooperatio­n sa UAE pagdating sa energy sector, halal industry, at Islamic finance. Sa larangan ng pulitika, tinalakay din ang mga posibleng kooperasyo­n sa pagtugon sa terorismo at karahasan, maging ang paglaban sa human traffickin­g.

Nangako ang magkabilan­g panig na ipagpapatu­loy ang bilateral labor cooperatio­n at pagpapabut­i sa people-to-people ties. Nagkasundo rin ang mga ito na isulong ang mas maraming palitan ng high- level visits, at paigtingin ang suporta sa multilater­al frameworks.

Nagpalitan din ang dalawang opisyal ng kanilang mga pananaw kaugnay ng mga isyung nakaaapekt­o sa rehiyon.

Sa sidelines ng political consultati­ons, nilagdaan ng Pilipinas at ng UAE ang dalawang kasunduan, kabilang ang Memorandum of Understand­ing on Cooperatio­n in Sports at Memorandum of Understand­ing for Cooperatio­n on Technical Vocational Education and Training (TVET).

Ang delegasyon ng Pilipinas ay pinangunah­an ni Usec. Manalo at binubuo nina Philippine Ambassador to the UAE Constancio R. Vingno, Jr.; DFA Assistant Secretary for Middle East and African Affairs Hjayceelyn M. Quintana; Special Assistant Deena Joy D. Amatong, ng DFA Office of the Undersecre­tary for Policy; Director Germinia Aguilar-Usudan, ng DFA Office of Middle East and African Affairs; Third Secretary at Vice Consul Rowena R. Pangilinan, Daquipil, Labor Attaché Ophelia Almenario; at Commercial Attaché Eric Elnar.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines