Balita

Pagpatay sa piskal, job-related?

- Alexandria Dennise San Juan at Jun Fabon

Posibleng may kinalaman sa trabaho ang pagpatay sa deputy city prosecutor sa Quezon City noong Martes, ayon sa Quezon City Police official.

Ayon kay Quezon City Police District director Chief Superinten­dent Joselito Esquivel, Jr., sinisilip na nila ang anggulong may kinalaman ang insidente sa trabaho ng biktima bilang fiscal.

Nitong Biyernes ng hapon, ang biktima, kinilalang si Rogelio Velasco, 64, assistant city prosecutor, ang tinambanga­n ng isang grupo ng kalalakiha­n habang nagmamaneh­o pauwi sa kahabaan ng Holy Spirit Drive sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Sa inisyal na imbestigas­yon, minamaneho ni Velasco ang pulang Toyota Innova, kasama ang kanyang anak na babae, nang sumulpot ang isang puting Toyota Innova (NXR-256) at hinarang ang daraanan ng biktima.

Nasa apat na armado ang bumaba sa putting sasakyan at pinaputuka­n si Velasco.

Bumaba ang anak ng biktima mula sa kanilang sasakyan at sinubukang habulin ang papatakas na mga armado ngunit isa sa mga ito ang tinutukan siya ng baril kaya napilitang magtago.

Agad sumakay ang mga suspek sa kotse at humarurot patungo sa Commonweal­th Avenue.

Humingi ng tulong ang anak ni Velasco sa dumating na transport network vehicle services driver at isinugod ang biktima sa East Avenue Medical Center kung saan siya idineklara­ng dead on arrival.

Aabot sa 20 butas dahil sa bala ang tinamo ng sasakyan ni Velasco, ayon sa awtoridad. Ilang basyo at mga case folders ang narekober sa loob ng sasakyan ng biktima.

Matapos ang pag-atake, sinabi ni Esquivel na bumuo sila ng special investigat­ion task group upang matukoy ang pagkakakil­anlan ng mga suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines