Balita

Kapangyari­han ng social media

- CARITAS Fr. Anton Pascual

KAPANALIG,nakikita at nadarama natin ang pwersa ng social media sa ating buhay ngayon. Ang laki ng pakinabang ng marami sa atin sa mga intrumento­ng ito, ngunit malaki rin ang panganib at pinsala na maaaring dalhin nito sa ating buhay.

Tingnan na lamang natin ang naging epekto ng social media sa relasyon ng ating bansa at ng kaharian ng Kuwait. Tingnan na lamang natin ang data breach na inabot ng maraming mga parokyano ng Facebook sa Amerika. Tingnan na lamang din natin ang mga relasyong nasira nito sa ating bansa.

Ang social media ay kailangan natin matutunang magamit para sa kabutihan, lalo na at marami sa atin ang lagi na lamang nakababad dito. Ayon nga sa pinakahuli­ng datos, tayo na ang isa sa mga top users ng social media sa buong mundo.

Ayon sa We are Social, higit pa sa walong oras ang babad ng maraming Filipino sa Internet, at kalahati nito, sa social media ginugugol. Sobra pa sa 50 million ang Facebook users natin ngayon, at ito na ang pang-anim sa buong mundo, ayon sa dami.

Sa dami nating gumagamit ng Facebook, mas masaya siguro ang mundo kung maayos nating magagamit ang social media upang magkalat ng mabuti at magandang balita. Walang masama kung mahilig tayo sa social media. Ang hindi maganda ay ang dulot nitong kaguluhan kung puro na lamang tayo post ng post nang hindi man lang iniisip kung ano ang magiging epekto nito sa mga tao.

Makapangya­rihan ang social media. Ang simpleng post mo ay maaaring maging viral nang di mo inaasahan. Matuto tayong gamitin ito ng may respeto: Sa sarili, sa kapwa, at sa lipunan.

Sa halip na pansarilin­g interes ang iyong ipino-post lagi sa iyong mga social media accounts, bakit hindi subukang mag post ng pampa-good vibes? O di kaya, layuan mo muna ang social media at pagsumikap­ang maging mas bibo IRL o in real life?

Kapanalig, malaking oportunida­d ang social media para sa new evangeliza­tion ng Simbahang Katoliko. Gamitin sana natin ito upang maipamulat sa mas marami ang pag-ibig na handog sa atin ng Panginoon. Dinggin natin ang gabay ng Lumen Gentium, at ibahagi sa mas marami ang pagmamahal ng Diyos: Ang ebanghelis­asyon ay isang oportunida­d upang maibahagi natin ang liwanag ni Kristo sa pamamagita­n ng pagbahagi ng Mabuting Balita sa lahat.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines