Balita

Winnie, Amy at Jing, napaiyak sa kuwento ng bulag na ina

-

NAGINGemos­yonal ang sina Winnie

Cordero, Jing Castañeda, at Amy Perez sa ibinahagin­g video ng ABS-CBN News na una nang naitampok sa Mission Possible tungkol sa pagmamahal ng isang bulag na ina sa kanyang anak, na kahit may Down Syndrome ay nagsisilbi­ng “mata“ng ina araw-araw.

“Naiyak ako! It’s just amazing kung paano nagagabaya­n ng anak niyang bulinggit na may sariling pisikal na limitasyon ang bulag nitong ina,” sabi ng Umagang Kayganda ( UKG) host na si Winnie “Tita Winnie” Cordero nang mapanood ang video.

Ang episode ay kasama sa isang buwang kampanya ng ABS-CBN para lalo nating pahalagaha­n ang ating ina. Tampok dito si Nanay Elsa at ang anak na si Sarah na magkaagapa­y sa araw-araw na pagpunta sa eskuwelaha­n.

Pinapatuna­yan nito ang paniniwala ni Tita Winnie na hindi perpekto ang mundo pero may mga pagkakatao­ng ganito na magpapatib­ay sa katatagan ng ating loob.

“Kailangan nating tanggapin ang mga limitasyon natin bilang ina at tanggapin na may mga bagay na ‘di mo kayang kontrolin. Kailangan din natin mag-let go, magdasal at hingin ang basbas ng Panginoon for peace of mind and magawa ang mga dapat gawin sa kabila ng mga unos sa buhay,” aniya. Samantala, napagnilay­an ng host ng Salamat Dok na si Jing Castañeda ang kanyang sariling mga karanasan bilang ina, at hindi rin niya napigilang mapaiyak.

“Naiyak ako kasi bilang nanay mas lalo ko napatunaya­n na marami tayong matututuna­n sa ating mga anak. ak. Isa itong ppartnersh­ip.p partnershi­p. Isang g paglalakba­y kasama ma ang ating g mga anak. Mas makakatulo­ng akatulong kung alam natin na kasama natin ang ating mga anak sa pagpapalak­i sakanila, na sila mismo ay katuwang at hindi lang dapat napagsasab­ihan,” an,” saad niya.

“Be informed. med. Be involved. ed. Hanapin mo ang iyong passion. on. Mas malalaman an mo kung paano no talaga mabuhay. ay. Makakatulo­ng ka naman sa kahit anong paraan at responsibi­lidad mo na ipasa ang impormasyo­n,” patuloy ni Jing.

Mula rin sa UKG, lalo namang napagtanto ni Amy “Tiyang Amy” Perez na pinagpala pa rin ang mag-ina sa kabila ng mga pinagdaraa­nan.

“Lubos akong natutuwa. Makikita mo talaga ang misteryo at galing ng Panginoon. Nakakataba din ng puso na makita sila Nanay Elsa at Sarah na puno ng saya dahil magkasama sila, wala kang makikitang bakas ng lungkot o reklamo sa kanila. Napakaimpo­rtante ng appreciati­on.”

Hinihimok ni Tiyang Amy ang mga kapwa ina na alamin ang balanse sa mga pang-arawaraw na bagay-bagay at tanggapin na mayroon talagang mga pagkakatao­n na hindi nagiging maayos ang buhay-pamilya.

Importante rin na matutong gawing kaagapay sa mga tungkuling pangbahay ang asawa dahil ang pagpapalak­i ng mga anak ay isang “partnershi­p.”

Sinimulan ng ABS-CBN News ang isang buwang pagdiriwan­g para sa mga inasa pamamagita­n ng #JustLoveYo­uNay video ng Mission Possible nitong Mayo 6. Unang umere ang kumpletong episode ng Mission

Possible noong Marso 5. Ang kuwento nina Nanay Elsa at Sarah ay sinundan ng isa pang feature kahapon, tungkol sa limang mag-iinang nagtitinda ng gulay sa Cavite na masayang tinatangga­p ang mga pagsubok sa buhay ng nakangiti.

Sinusuport­ahan ng ABS- CBN ang kampanyang nagsusulon­g sa mga ina na may mga g segment g feature na ipapalabas sa mga programa pro ng ABS-CBN news at mas pinaigting pin na “digital awareness” para sa isang i buwang pagdiriwan­g ng Just Love Lov You Nay, at para maipakita na ang b buwan ng Mayo ay buwan ng mga ina.

Hinihimok ng ABS-CBN ang lahat lah ng Kapamilya na ipakita ang pagmamahal pa sa ating mga nanay sa pamamagita­n ng pagsasabi ng # JustLoveYo­uNay sa social media posts at mga mensahe upang maipakita sa kanila kung gaano sila kaimportan­te sa ating mga buhay.

 ?? Amy at Winnie ??
Amy at Winnie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines