Balita

Bicycology Shop, nakiisa sa 2018 FitTest

- Ni EDWIN ROLLON

KABILANG ang Bicycology Shop sa 30 sports and fitness exhibitors sa nakiisa sa isinagawan­g 2018 FitTest na nagbukas kahapon sa The Tent ng makasaysay­ang Manila Hotel.

Sa pangangasi­wa ng magkasangg­ang sina Olympian swimmer at triathlon enthusiast Eric Buhain at road race rider John Garcia, nakibahagi ang Bicycology Shop sa programa na inorganisa ng Affiliate Alliance, sa pakikipagt­ulungan ng Manila Bulletin sa hangaring makapagbig­ay ng sapat na kaalaman para sa pagbili at paggamit ng tamang bisikleta sa pangangail­angan ng rider.

“Hindi kliyente kundi kaibigan ang turing naming sa mga bikers na nagpupunta sa shop. Hindi kami yung basta magbebenta ng mahal na bisikleta. Tatanungin muna namin yung kliyente kung ano ang purpose niya sa pagbili ng bike. Kung para sa training and exercise lang meron kaming nakahanda dyan. Pero kung pang-competion, may highend naman kami sa akma sa kanila,” pahayag ni Garcia.

“Yung bawat detalye sa kabuuan ng bike, ipaliliwan­ag ko ‘yan para makita ng kliyente na gusto naming makuha nila yung bike na akma para sa kanila hindi yung basta nakapagben­ta lang,” aniya.

Sa Fittest 2018, nakadispla­y ang high-end bike, accessorie­s at apparels. Handa rin ang brochure na naglalaman ng iba’t ibang brand ng bike na nais ng mga bikers na bibista sa FitTest 2018.

Iginiit ni coach Xhi Tabalan, isa sa nag-organisa ng FitTest, na layunin ng programa na mapalagana­p ang kahalagaha­n nang pagkakaroo­n ng malusog na pangangata­wan.

“It starts on regular exercise and proper diet. Siyempre yung uri ng lifestyle malaking epekto sa kalusugan ‘yan. Here in Fittest, mapapanood nila ang crossfit competitio­n na nangagaila­gan ng tamang paghahanda hindi lamang ng kalusugan ng katawan kundi pati nang kaisipan,” sambit ni Tabalan.

“Iniimbitah­an namin ang lahat kahit hindi pa full-time sports and fitness enthusiast to come and dropped by here to witness personally the different activities. From food supplement, vitamins, apparels and sports equipment makikita nila rito,” pahayag ni Tabalan.

Bukod sa Bicycology shop, sponsors at exhibitors din ang Progenix/FitAid, Red bull, Oishi, MILO, Genecol/Totum, Boxfit, Supplement­hub, WODX, Heron Athletics, PRX, Sun Life, Spartan Race, Hollowrock, Reliv, Muscle Wraps, Gearbox, Gorilla Grips, Ger Greens, Decathlon, Columbian Sports, All brew Coffee, Ensayo, PlayHard, RockTape, Core Dynamics, Vespa at Philips.

Bukas ang FitTest hanggang 8:00 ng gabi ngayon.

 ??  ?? NAKIBAHAGI ang Bicycology Shop sa 2018 FITTEST na inorganisa ng Affiliate Alliance, sa pakikipagt­ulungan ng Manila Bulletin at 30 iba pang sports and fitness exhibitors kahapon sa The Tent ng makasaysay­ang Manila Hotel. Ibinida ng Biycology Shop ang...
NAKIBAHAGI ang Bicycology Shop sa 2018 FITTEST na inorganisa ng Affiliate Alliance, sa pakikipagt­ulungan ng Manila Bulletin at 30 iba pang sports and fitness exhibitors kahapon sa The Tent ng makasaysay­ang Manila Hotel. Ibinida ng Biycology Shop ang...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines