Balita

TIBAY SA BAY!

Thompson, handa sa ‘contract extension’ sa Warriors

-

CALIFORNIA (AP) – Sa mga nagnanais na magkawatak-watak ang ‘Big Four’ ng Golden State Warriors, tila mahabang panahon na ang ipaghihint­ay.

Sa ulat ni Marcus Thompson ng The Athletic, ibinulgar nito na nagkakasun­do na si Klay Thompson at ang Warriors management para sa ‘multi-year contract extension’ sa Golden State Warriors.

Ang naturang desisyon ay hindi lamang magpapasig­uro na mananatili sa Warriors ang sharp-shooter ng The Bay, bagkus makatitipi­d pa ang Golden State kumpara sa aksiyong re-signing bilang isang unrestrict­ed free agent sa 2019.

Sa isyu ng contract extention, inaasahang kikita si Thompson ng mahigit sa US $80 milyon. Ngunit, may mga naunang balita na tila alanganin si Thompson na magdesisyo­n sa kasalukuya­n.

“Playing for one team your whole career is definitely special,” pahayag ni Thompson sa mga naunang panayam.

“Only so many guys have done it in profession­al sports, so it’ll be a goal of mine. Hopefully it all works out.”

Ngunit, umaasa ang Golden State na mapapanati­li nila si Thompson. Halos sigurado na ang re-signing ni Kevin Durant para sa max contract matapos ang pagpayag nito nang mas mababang kontrata sa nakalipas na dalawang taon. Nagsisimul­a pa lang ang taon na nilagdaan ni Stephen Curry mula sa five-year, $201million deal.

Kung papaya si Thompson sa extension, mas makagagala­w ang Golden State sa kanilang ‘salary cap’ ay mas mapananati­li sa mahabang panahon ang samahan nina Durant, Curry at Draymond Green.

Naitala ni Thompson ang averaged 20 puntos o higit pa at bahagi ng All-Star sa nakalipas na apat na season. Tangan niya ang career 42.2-percent clip sa threepoint range.

 ??  ?? Thompson
Thompson
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines