Balita

Bakit ‘di bumoto si Digong?

- Ni Argyll Cyrus B. Geducos

Sinabi ni Pangulong Duterte na pinili niyang huwag na lang bumoto nitong Lunes sa unang Barangay at Sanggunian­g Kabataan elections ( BSKE) sa kanyang termino, dahil pawang kaibigan niya ang mga kandidato sa kanilang barangay.

Sa panayam sa kanyang pagdalaw sa burol ni dating Senate President Edgardo Angara sa Taguig City, sinabi ng Pangulo na mas mabuti pang hindi na lang siya bumoto upang hindi magkaroon ng pagdududa ang mga kandidaton­g pawang kaibigan niya kung sino sa mga ito ang hindi niya ibinoto.

“Purely political. Lahat ‘ yang tumakbo kaibigan ko, [and] almost all were my supporters during the last election,” sinabi ni Duterte kahapon. “They would never believe na nagboto ako o hindi sa kanila, so tingin ko, the better option would really be to just skip the voting kasi ayaw kong magduda sila.”

Aniya, pawang nakatulong ang nasabing mga kandidato upang manalo siya sa pagkapangu­lo noong 2016.

“To erase all suspicions in the mind of people who really helped me along the way, sabi ko hindi na ako pupunta,” aniya.

“I was busy, nagmo-monitor ako ng (sitwasyon ng halalan)... all over the Philippine­s in front of so many communicat­ion gadgets,” sabi pa ng Pangulo.

Boboto sana ang Pangulo sa Daniel Aguinaldo High School sa Davao City, at inihanda na ng paaralan ang upuang ginamit niya nang bumoto noong 2016 presidenti­al polls upang muli niyang gamitin.

Napaulat na matapos upuan ni Duterte noong Mayo 9, 2016, itinabi ng paaralan ang nasabing upuan— na tinawag na “seat of victory”—at inilagay sa glass casing makaraang mahalal na presidente ang dating mayor ng lungsod.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines