Balita

Wanted sa panggagaha­sa sa hipag, timbog

- Mary Ann Santiago

Tapos na ang pakikipagt­aguan ng isang lalaki na itinuturin­g na No. 1 most wanted person (MWP) ng Pasig City Police dahil sa umano’y panggagaha­sa sa kanyang hipag nang maaresto matapos dalawin ang kanyang misis sa Barangay San Miguel kamakalawa.

Iniharap sa media at kay National Capital Regional Police Office ( NCRPO) chief, Police Director Camilo Pancratius Cascolan ang suspek na si Ronald Russel Cruz Santos, alyas Azze, 30, ng 8 Villarosa Street, Sto. Thomas, Pasig City, sa isang pulong-balitaan dakong 11:00 ng gabi kamakalawa.

Ayon kay Eastern Police District (EPD) director, Police Chief Supt. Reynaldo Biay, inaresto si Santos ng mga tauhan ng Pasig City Police Station Intelligen­ce Unit, sa pangunguna ni Police Supt. Hendrix Mangaldan at sa direktang superbisyo­n ni Police Senior Supt. Orlando Yebra, sa San Miguel Avenue, sa Bgy. San Miguel, dakong 10:15 ng gabi.

Una rito, nakatangga­p ng tip ang awtoridad mula sa isang concerned citizen hinggil sa presensiya ng suspek sa kanilang lugar, matapos na dalawin ang kanyang misis na bagong panganak.

Hindi nag-aksaya ng panahon ang awtoridad at inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa tatlong bilang ng kasong panggagaha­sa.

Sa record ng hukuman, Setyembre 2016 nang tatlong beses umanong halayin ni Santos ang kanyang menor de edad na hipag.

Taong 2017, nagtago ang suspek matapos siyang isyuhan ng mandamyent­o de aresto.

Kasalukuya­ng nakakulong ang suspek sa Pasig City Police Station.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines