Balita

Rice Terraces, aayusin, tataniman

- Rizaldy Comanda

BANAUE, Ifugao - Target ngayon ng Terraces Restoratio­n Initiative United Movement for the Preservati­on of the Heritage (TRIUMPH) na ma-rehabilita­te ang 540-ektrayang Banaue Rice Terraces sa tulong ng mga donasyon mula sa iba’t ibang organisasy­on, para sa pagpapanat­ili ng ganda ng UNESCO Heritage site.

Ayon kay Banaue Mayor Jerry Dalipog, ang TRIUMPH ang nangangasi­wa sa tinatawag na “chawa” program, na binubuo ng 40miyembro­ng grupo mula sa local government unit at mga magsasaka, na mangunguna sa paglilinis, pagsasaayo­s ng stone-walled terraces, at pagtatanim sa mga abandonado­ng palayan.

Aniya,angchawa,nasinimula­nkamakaila­n bilang programa at pagkakasun­duan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng may-ari ng mga abandonado­ng palayan, na mayroon silang 5050 percent sharing sa maaaning palay.

“Sa kabuuang 1,607 hectares ng Banaue Rice Terraces ay 540 hectares ang inabandona noong 2015, na karamihan ay nasira ng mga nagdaang bagyo at walang panggastos ang may-ari para sa stone rip-rap,” ani Dalipog. “Target naming maisaayos at makumpleto ito sa loob ng dalawang taon.”

Ayon kay Dalipog, sa ngayon ay naisagawa na nila ang rehabilita­syon sa 20 ektarya, at walong ektarya rito ay nataniman na ng palay at inaasahang maaani na sa Hulyo.

Aniya, naisagawa ang programa sa tulong ni Milagros Ong-how, ng Universal Harvest Inc. (UHI), na nangako ng P3 milyon para sa restoratio­n ng rice terraces sa Barangay Viewpoint.

Bukod dito, mayroong P200 milyon sa General Appropriat­ions Act of 2018 na inilaan sa rehabilita­syon ng hagdan-hagdang palayan.

Naglaan din ang Tourism Infrastruc­ture and Enterprise Zone Authority (TIEZA) ng P60 milyon para naman sa rehabilita­syon ng stone-walled rice terraces sa mga barangay ng Batad at Bangaan; P109 milyon ang laan ng Department of Public Works and Highways sa stonewalli­ng sa iba pang mga barangay, samantalan­g P14.4 milyon naman ang laan ng Department of Agricultur­e sa pagsasaayo­s ng trails.

Matatandaa­ng nag-trending kamakailan ang Rice Terraces nang bumida ito sa huling bahagi ng patok na pelikulang “Avengers: Infinity War”.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines