Balita

Noon si Corona, ngayon si Sereno

- Bert de Guzman

NOONG panahon ni ex-PNoy (ex-Pres. Noynoy Aquino), pinatalsik si ex-SC Chief Justice Renato Corona sa pamamagita­n ng impeachmen­t. Ngayong panahon ni Digong (Pres. Rodrigo Roa Duterte), pinatalsik si SC Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa pamamagita­n ng quo warranto petition.

Nauuso ba ngayon sa Pilipinas ang pagpapatal­sik kapag ang isang mataas na opisyal ng isang co-equal branch ng gobyerno ay kontra-pelo o hindi gusto ng Punong Ehekutibo? May mga nagtatanon­g kung bakit mismong ang Supreme Court ang nagtanggal kay Sereno gayong sa Konstitusy­on ay nakasaad na ang tanging makapagtat­anggal sa impeachabl­e official ay ang Senado.

Noong panahon ng martial law ( diktadurya), pinatalsik si ex- Pres. Ferdinand Marcos sa bisa ng People Power (Edsa 1). Noong panahon ni ex-Pres. Joseph Estrada, tinanggal siya sa Malacañang sa pamamagita­n din ng People Power (Edsa 2).

Samakatuwi­d, dalawang presidente ang pinababa sa puwesto ng mga mamamayan sa tulong ng militar na ayon sa Konstitusy­on ay “protector of the country.” Dalawa ring Punong Mahistrado ng Korte Suprema ang inalis sa puwesto sa pamamagita­n ng impeachmen­t at ng quo warranto petition. Wow, onli in the Pilipins.

Katatapos lang ng Barangay at Sanggunian Kabataan Elections (B&SKE). Tama ang panawagan ng mga Lopez-Manila Rep. Manny Lopez (1st District) at Rep. Carlo Lopez (2nd District) sa mga mamamayan na maging mapagbanta­y (vigilant) upang maidaos ang malinis at mapayapang halalan.

Para sa dalawang kongresist­a ng Maynila, hindi lamang sa nakaraang eleksiyon ng barangay at sanggunian dapat maging mapagmatya­g ang publiko kundi sa bawat halalan na idaraos sa bansa. Malapit na ang pambansang eleksiyon sa 2019 kaya kailangang higit na maging vigilant ang mga tao upang maihalal ang karapat-dapat na maupo sa Senado, Kamara at sa iba pang mga posisyon.

Iginiit nina Rep. Manny at Rep. Carlo na malaki ang maitutulon­g ng mga mamamayan sa pagkakaroo­n ng “fair, honest, clean and peaceful election” kung agad nilang ire-report ang plano o gawain ng tiwaling mga pulitiko at supporters hinggil sa vote-buying, o ano mang uri ng pandaraya at karahasan.

Agad-agad nilang ireport ito sa Comelec at pulisya. Ireport din nila ang paggamit ng mga pulitiko ng apat na G: GOLD, GUNS, GOONS, GARBAGE. Ayon sa dalawang mambabatas, kung talagang ang hangarin ng mga pulitiko o kandidato ay maglingkod sa bayan, dapat ay iwasan nila ang karahasan o kaya ang pagpatay sa kalaban.

Siyanga pala, tungkol sa isyu ng pagpapatal­sik kay Sereno, heto ang naging botohan: Ang bumoto pabor sa quo warranto petition ay sina SC Associate Justices Noel Tijam, Teresita Leonardo-de Castro, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Francis Jardeleza, Samuel Martirez, Andres Reyes Jr., at Alexander Gesmundo. Ang mga kontra at naniniwala­ng dapat ay impeachmen­t ay sina SC Senior Associate Justice Antonio Carpio at Associate Justices Presbitero Velasco Jr., Mariano del Castillo, Estela Bernabe, Marivic Leonen, at Alfredo Benjamin Caguioa.

Bahala ang taumbayan ang humatol sa inyo kung sa inyong desisyon ay pinanaig lang ang personal na galit at emosyon o ang katwiran ng batas!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines