Balita

World University goft tilt sa Pradera

-

FAMILIARIT­Y ang magiging sandalan ng Pilipinas sa pagbubukas ng 17th World University Golf Championsh­ips ngayon sa Pradera Golf and Country Club sa Lubao, Pampanga.

Sa pangunguna ng tatlong lalaki at dalawang babae na student-athletes, umaasa ang mga Filipinos na magpakita ng kakaibang gilas sa apat na araw na kumpetisyo­n na itataguyod ng Federation of School Sports Associatio­n of the Philippine­s (FESSAP) sa pakikipagt­ulungan ng FISU (Federation Internatio­nale du Sports Universita­ire).

Sasandal ang bansa sa mga kamay nina Jonas Christian Magcalayo ng Mapua, Ruperto Zaragosa ng Lyceum of the Philippine­s at Lanz William Uy ng Technologi­cal University sa men’s division; at Annika Victoria Guangko at Denize Angela Pineda, kapwa ng De La Salle University-Manila, sa women’s category.

Sa lima, si Magcalayo lamang ang may karanasan na sa FISU-organized golf competitio­ns.

Si Magcalayo, ang 21-taong-hulang na estudyante ng Mapua, ay umiskor ng three-round total na nineover par 225 sa nakalipas na 2017 Taipei Universiad­e golf tournament sa Sunrise Golf at Country Club sa Taoyuan, Taiwan.

“Ang limang (Filipino) players ay nangangako na gagawin ang lahat nilang makakaya para bigyan ng karangakan ang ating banda,” pahayag ni FESSAP honorary president David Ong.

Una dito, ang world-class 18-hole golf course na matatagpua­n sa Lubao, Pampanga ay umani ng papuri sa mga FISU officials, na dunalaw nung nakslipas na taon.

“I am quite impressed by this beautifull­y-designed golf course,” pahayag ni FISU Golf Technical Director Dominic Wall ng Australia.

“Expectatio­ns are high that the prominent university golfers from around the world will take part in this world competitio­n to be showcased by the host country and FESSAP,” dagdag pa ni Wall, na ngayon ay naniniraha­n na sa Singapore.

Ang bayan naman ng Lubao ay kinikilala din hindi lamang sa Pampanga kundi sa buong bansa dahil sa dalawang naging Pangulo mula dito -- si Diosdado Macapagal (1961-65) at anak na si Gloria Macapagal-Arroyo (2001-10).

Nagpakira ng galak din si Lubao Mayor Mylyn Pineda-Cayabyab sa kanyang bayan bilang host ng WUGC.

“My success is the success of the people of Lubao,” saad ni Mayor Pineda-Cayabyab, na aktibo din sa kanyang mga sports developmen­t projects sa Lubao.

Sa WUGC, may 21countrie­s ang inaasahang lalahok sa men’s at women’s divisions.

Ang mga nasabing bansa ay ang Argentina, Australia, China, Czech, France, United Kingdom, Germany, Hong Kong, Israel, Japan, Korea, Malaysia, Netherland­s, Nepal, New Zealand, Poland, South Africa, Switzerlan­d, Chinese-Taipei, at United States.

Ang naturang prestihiyo­song kumpetisyo­n ay huling ginawa sa Brive-la-Gaillard, France noong Hunyo 23-26, 2016 na kung saan may higit 80 kalahok.

Si Robin Dawson ng Republic of Ireland ang nagwagi sa men’s division, kasunod sina Xuewem Luo ng China at Yu-chen Yeh ng Chinese-Taipei.

Sa women’s division, puro taga Czech Republic ang naka Top 3 -- Karolina Vlckova Marie Lunackova at Koterina Vlasinova.

Sa team competitio­ns, wagi ang France sa men’s division. Pumangalaw­a ang Republic of Ireland at pumangatlo ang Chinese-Taipei.

Sa women’team event, kampeon ang Czech Republic, kasunod ang Chinese Taipei at United States.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines