Balita

May asim pa si Lisa

-

SA bowling, tunay na hindi sagabal ang edad.

Pinatunaya­n ni Liza del Rosario, beterana sa internatio­nal tourney, na hindi nawawala ang talento sa paglipas ng panahon, matapos gapiin ang mas nakababata­ng karibal sa all-Filipino final ng 2nd PBF Pagcor- Philippine Internatio­nal Open.

Nakopo naman ni Australian Sam Cooley ang men’s division nitong Linggo sa Coronado Lanes sa Starmall Mandaluyon­g City.

Naisalba ni Del Rosario, national team mainstay, ang hamon ng kasanggang si Rachelle Leon sa best-of-three championsh­ip match.

Winalis naman ng threetime Asian Bowling Federation Tour champion na si Cooley ang race-to-two series kontra Mike Chan ng Hong Kong para sa korona at premyong P500,000.

Pumangatlo si Cooley matapos ang round 2 finals sa 24 na naglabang keglers bago ginapi ang second-seeded na si JP Macatula sa step-ladder championsh­ip at makamit ang pagkakatao­n na makaharap si Chan, ang No.1 qualifier.

Umiskor ng dalawang strikes si Cooley tungo sa 195148 panalo.

Napuwersa naman si Del Rosario, miyembro ng women’s team na nagwagi ng silver medal sa Asian Indoor Games last year sa Turkmenist­an, sa rubbermatc­h matapos makuha ni Leon ang panalo sa Game 2.

Nakopo ng 35-anyos na si Del Rosario ang panalo, 258-194. Kamakailan, naipahayag niya ang kahandaan na magretiro sa pagtatapos ng Kampanya sa Asian Games sa Agosto.

 ??  ?? DEL ROSARIO: Nangibabaw ang husay at karanasan.
DEL ROSARIO: Nangibabaw ang husay at karanasan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines