Balita

‘Hayaan n’yo kaming mag-Ramadhan sa Marawi’

- Ni ALI G. MACABALANG

MARAWI CITY – Magsisimul­a ngayong Miyerkules ang Ramadhan ngayong taon, o ang buwan ng pagaayuno ng mga Muslim sa mundo—at sa ikalawang pagkakatao­n, magiging malungkot ang paggunita sa okasyon sa nag-iisang “Islamic city” sa bansa, ang Marawi City.

Noong nakaraang taon, ang pagaayuno para sa Ramadhan, na isa sa limang pangunahin­g tradisyong Islam, ay nagsimula ng Mayo 27, apat na araw makaraang magsimulan­g magsilikas ang mahigit 200,000 taga-Marawi 2017 kasunod ng pagsalakay ng mga teroristan­g Maute-ISIS at Abu Sayyaf sa siyudad, na nagawa lamang maitaboy ng gobyerno makalipas ang limang buwan.

“For the first time, azan (call to prayer) did not reverberat­e in down town Marawi on the first dawn of fasting,” kuwento noong nakaraang taon ni Malik Ganda, isa sa iilang residenten­g nanatili sa Marawi para magdaos ng “difficult fast observance” sa lungsod, na isa na ngayong wasak na ghost town.

Dahil sa paglikas ng karamihan sa 201,700 residente, inabandona ang 96 na barangay sa siyudad, partikular ang 160 mosque kung saan karaniwan nang naglalagi ang mga Muslim upang panalangin para sa Ramadhan taun-taon.

Kahapon, sinabi ng ustadz (Islamic cleric) na si Paisal Hamid: “Similar lonely Ramadhan observance is imminent here since all major masjids (mosques) remain in rubble after destructio­n in military airstrikes and artillery fires.”

“The same (bleakest fast) is true to thousands of Marawi residents who remain stranded in evacuation centers (partikular sa Iligan City at Cagayan de Oro City) where food rations became rare,” dagdag ni Hamid.

Iilang bakwit pa lamang ang pinayagang makabalik sa Marawi para manirahan sa mga government resettleme­nt shelter na nasa labas ng Ground Zero, at dahil walang palengke sa lugar, nakadepend­e pa rin ang mga bakwit sa donasyong pagkain ng mga pribadong grupo.

Kaugnay nito, muling nanawagan sa pamahalaan ang mga bakwit na stranded sa Iligan at Cagayan de Oro, na payagan silang makauwi sa Marawi upang magdiwang ng Ramadhan.

“We have had enough of penitence like one whole year of fasting in evacuation centers. We hope President Duterte will hear finally our prayer for homecoming. Ramadhan will be dull for us again but we want to spend it in our city,” sinabi sa may akda ng umiiyak na estudyante­ng bakwit.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines