Balita

Ellen, kinasuhan na

- Ni MARY ANN SANTIAGO

NAHAHARAP ngayon sa kasong child abuse at cyber crime si Ellen Adarna kasunod ng pagkabigo niyang maglabas ng public apology sa 17- anyos na dalagitang pinaghinal­aan niyang kumuha ng video sa kanila ng kasintahan­g si John

Lloyd Cruz, sa loob ng isang restaurant sa Makati City kamakailan.

Nagtungo kahapon sa Pasig City Prosecutor­s’ Office si Myra Abo Santos, ina ng dalagita, upang personal na isampa ang kaso laban sa aktres.

Nag- ugat ang kaso sa pagpapaski­l ni Adarna sa social media ng video ng anak ni Santos at inakusahan ang dalagita na kumukuha ng video sa kanila ni Cruz, noong Mayo 4.

Naging viral ang video na may caption na, “’Yan ha... You know the feeling... Uncomfy noh? When you PAP us, we PAP you too! Nasa resto eh. It’s a tie,” at may hashtag na “#PaparazziM­oves.”

Mariing pinabulaan­an ng dalagita sa kanyang Twitter account na kinukuhana­n niya ng video sina Adarna at Cruz, dahil ang ibini-video umano niya ay ang kanyang kinakain at ang loob ng restaurant at ipinost pa ang kopya ng naturang video.

Nanindigan si Adarna na tama ang kanyang hinala at sinabing hindi sila tanga.

Dahil sa nangyari ay naglathala ng open letter sa Facebook si Santos at humingi ng public apology kay Adarna para sa kanyang anak na menor de edad at sinabing nasaktan ang kanilang pamilya sa ginawa ng aktres.

“My family and I have begun seeking legal assistance. As advised by our lawyer, we are now writing this letter. As her family, we ask you to publicly apologize to Eleila. We prefer not to take this further, but as our only daughter, we are ready to take this wherever needed to protect her integrity,” saad ng bukas na liham ni Myra, sa kanyang FB post.

“As much as no one has the right to breach your privacy, you have no right to ruin my daughter’s reputation,” aniya pa kay Adarna.

Gayunman,sa halip na humingi ng public apology, nag-post si Adarna ng video ng kanyang pedicure sa kanyang Instagram account.

 ??  ??
 ??  ?? Ellen
Ellen

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines