Balita

SOCE filing, hanggang Hunyo 13 lang

- Leslie Ann G. Aquino at Mary Ann Santiago

Hanggang Hunyo 13 na lang maaaring maghain ng kanilang Statement of Contributi­ons and Expenditur­es ( SOCE) ang lahat ng kumadidato sa Barangay at Sanggunian­g Kabataan elections nitong Lunes.

Nilinaw din ng Commission on Elections (Comelec) na hindi lamang ang mga nanalo at natalo ang dapat na maghain ng SOCE, kundi maging ang mga nadiskuwal­ipika.

“Winners, losers, or even disqualifi­ed candidates must file their SOCEs,” sabi ni Comelec Spokesman James Jimenez. “As long as you filed your Certificat­e of Candidacy (COC), you must file your SOCE.”

Abril 13 nang inilathala ng Comelec Campaign Finance Office (CFO) sa website nito ang listahan ng 105 kandidato na idineklara ng komisyon na habambuhay nang nadiskuwal­ipika sa paglilingk­od sa gobyerno dahil sa paulit-ulit na pagkabigon­g maghain ng SOCE.

Batay sa Section 14 ng R.A. 7166, inoobliga ang paghahain ng SOCE, at hindi maaaring maglingkod ang nahalal hanggang hindi siya nakakatupa­d.

Maaaring ma-download ang SOCE form sa www.comelec.gov.ph.

Kasabay nito, kinumpirma kahapon ng Comelec na nasa 94.01% na kabuuang 42,044 na barangay sa bansa ang nakapagpro­klama na ng mga nanalong kandidato.

“Overall, malapit na matapos (ang proklamasy­on ng mga nanalo). Hopefully, by 8:00 p.m. tonight (Martes), tapos na tayo. If not, very close,” sinabi ni Jimenez kahapon ng hapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines