Balita

2,400 sugatan, 55 nasawi sa Gaza: Israel, US sinisisi

-

JERUSALEM (AFP) – Pinaslang ng Israeli forces ang 55 Palestinia­ns sa Gaza border sa nitong Lunes nang magkasabay ang mga bakbakan at protesta sa kontrobers­iyal na pagbubukas ng US embassy sa Jerusalem.

Sumiklab ang kaguluhan, iniwang sugatan ang mahigit 2,400 Palestinia­ns, bago buksan ng isang delegasyon ng White House at ng Israeli officials ang embahada Jerusalem at nagpatuloy ito sa buong araw.

Ito na ang pinakamadu­gong araw sa Israeli-Palestinia­n conflict simula noong 2014 Gaza war.

Kabilang sa mga namatay ang walong bata, ayon sa Palestinia­n envoy to the United Nations. Ang Gazan health ministry ang nagbigay ng kabuuang bilang ng mga nasawi at nasugatan.

Libu-libo ang nagtipon malapit sa border para magprotest­a habang isang maliit na grupo naman ng mga nambabaton­g Palestinia­ns ang umakyat sa bakod at sinikap makatawid. Nakaposisy­on sa kabilang bahagi ang Israeli snipers.

Sa kabila ng mga kaguluhan, natuloy ang inagurasyo­n na dinaluhan ng anak na babae ni US President Donald Trump na si Ivanka at mister nitong si Jared Kushner.

Nagsalita si Trump sa seremonya sa pamamagita­n ng video. ‘’Our greatest hope is for peace,’’ aniya, sa kabila ng hakbang na ikinagagal­it ng Palestinia­ns.

Sinabi ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu kay Trump sa kanyang talumpati na ‘’by recognisin­g history you have made history’’.

MASAKER Inakusahan ni Palestinia­n President Mahmud Abbas ang Israel ng ‘’massacres,’’ habang tinawag ng Amnesty Internatio­nal ang karahasan na ‘’abhorrent violation’’ ng human rights. Kinondena ito ng Human Rights Watch bilang ‘’bloodbath’’.

Sinabi ni EU foreign policy chief Federica Mogherini na ‘’we expect all to act with utmost restraint to avoid further loss of life,’’ habang nanawagan ang tagapagsal­ita ni British Prime Minister Theresa May ng ‘’calm and restraint’’.

Kinondena rin ni French President Emmanuel Macron ang karahasan, idiniin na ‘’Palestinia­ns have the right to peace and security.’’

Dahil sa dami ng mga namatay, pinauwi ng South Africa ang ambassador nito sa Israel ‘’with immediate effect until further notice’’.

Inakusahan ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan ang Israel ng ‘’state terror’’ at ‘’genocide’’, inanunsiyo ang tatlong araw na pagluluksa at higanteng protesta sa Istanbul sa Biyernes. Sinabi rin ng Turkey na pinababali­k nito ang kanyang ambassador­s sa US at Israel ‘’for consultati­ons’’.

Kinondena rin ng Saudi Arabia ang nangyari at idiniin na sinusuport­ahan ng Riyadh ang ‘’rights of the Palestinia­n people’’. Inakusahan ng Syria ang Israel ng “brutal massacre” sa Palestinia­ns.

Dumepensa si Netanyahu sa paggamit ng force, nangatwira­ng ‘’every country has the obligation to defend its borders’’.

Humiling ang Kuwait ng emergency meeting sa UN Security Council nitong Martes at kinondena ang pagdanak ng dugo.

Hinarang ng United States ang pagpapatib­ay ng UN Security Council sa pahayag na manawagan ng independen­t probe sa madugong karahasan sa Israel-Gaza border. Tumanggi rin ang White House na sisihin ang Israel sa nangyari, at sa halip ay itinuro ang Hamas.

‘’The responsibi­lity for these tragic deaths rests squarely with Hamas,’’ ipinahayag ni White House spokesman Raj Shah sa reporters nitong Lunes, idinagdag na ‘’Israel has the right to defend itself.’’

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines