Balita

₱40- B pondo para sa libreng edukasyon ngayong Hunyo

-

TTINIYAK ni House Appropriat­ions Committee chair at Davao City Rep. Karlo Alexei B. Nograles na maipatutup­ad na ngayong pasukan sa Hunyo ang libreng matrikula sa 114 State Universiti­es and Colleges (SUCs) sa bansa, mula sa inilaang ₱40 bilyong pondong pamahalaan para 2018 budget.

“Napopondoh­an na po itong libreng tuition at libreng miscellane­ous sa kolehiyo,” pahayag Nograles sa isang pagpupulon­g.

Naging basehan ni Nograles ang Republic Act 10931 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Aug. 3, 2017, nagtatakda­ng universal at inclusive access sa dekalidad na edukasyon para sa lahat ng SUCs, mga lokal na unibersida­d at kolehiyo (LUC) at mga tech-voc institutio­n na pumasa sa Commission on Higher Education (CHED).

“Tuloy na tuloy na po ito for the school years 2018-2019. Ngayong June na po ang libreng tuition at libreng miscellane­ous,” ani Nograles.

Sinabi niya na may sariling bersiyon ang Senado sa legislativ­e process na sumasakop lamang sa lahat ng SUCs. Ngunit nakita umanong Kongreso ang pagiging limitadong panukala.

“Pinalawak po namin sa version ng House of Representa­tives, hindi lamang yung SUCs, kundi pati na rin ang mga local universiti­es and colleges (LUCs), pati yung sa TESDA-run-technical-vocation-institutio­ns,”

Sa bagong batas, aniya, kabilang ang probisyon sa Tertiary Education Subsidy (TES) para sa mga nagnanais mag-aral sa mga pribadong institusyo­n at unibersida­d gayundin ang student loan program.

Ibinahagi rin niya ang hirap na pinagdaan bago maipasa ang batas dahil sa mas malawak ang sakop nito na nangangail­angan din ng mas malaking pondo upang maipatupad.

Ayon kay Nograles, kabilang sa bagong batas ang probisyons­a Tertiary Education Subsidy (TES) para sa mga nagnanais mag-aral sa mga pribadong institusyo­n at unibersida­d. Nakapaloob din dito ang student loan program, unified student financial assistance system at pondo mula sa pamahalaan na nakaayon sa isinusulon­g ni Pangulong Duterte na mapalawak ang sakop ng tersyarya at libreng edukasyon para sa lahat ng mga Pilipino, higit sa mahihirap na mag-aaral.

“Pinirmihan ni Presidente Duterte ito, dahil nakikita niya ang malaking pakinabang at kapakanan para sa ating mga kabataan,” ani Nograles, na idinagdag na may ilang nagpayo sa Pangulo na huwag lagdaan ang panukala dahil sa kakailanga­ning malaking pondo at pagkukuhan­an nito.

“Sa pagpupuyat at pagsusumik­ap po natin, nakapag hanap po tayo ng PHP 40 billion at yan ay nakapaloob sa 2018 Budget kaya sure na sure po tayo na ngayong June, dahil tayo po ang naglaan ng pondo para ma implement,” paliwanag paniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines