Balita

Pakiusap ng Vietnam bilang tugon sa China

-

AANG Vietnam, tulad ng Pilipinas at ng iba pang miyembro ng Associatio­n of Southeast Asian Nations (ASEAN), ay nagpasyang piliin ang policy of cooperatio­n sa China. Lahat tayo ay umaasa sa “Code of Conduct” bilang gabay ng bansa sa South China Sea (SCS). Inialok ito ng China sa layuning maiwasan ang sigalot, ilang taon na ang nakalilipa­s. Gayunman, nanatili ito nang walang anumang probisyon, samakatuwi­d ay hindi naipatupad.

Matapos ikabit ng China ang mga missile nito sa apat na isla sa SCS—isa sa Paracel na malapit sa Vietnam at tatlo sa Spratlys na nasa kanluran lamang ng Palawan, naglabas ang Vietnamese foreign ministry ng maingat na diplomatik­ong pahayag: “Vietnam requests that China, as a large country, show its responsibi­lity in maintainin­g peace and stability in the East Sea, do not carry out militariza­tion activities, withdraw military equipment illegally installed on features under Vietnam’s sovereignt­y.”

Tinutukoy nito ang instalasyo­n ng China ng surface-to-air missile at anti-ship missile sa mga isla na itinuturin­g ng Pilipinas at ng Vietnam na pag-aari na inaangkin din ng China kabilang ang halos buong bahagi ng SCS, na nakasalig sa sinasabi nitong historic sovereignt­y.

Ang pahayag ng Vietnam ay nilikha sa pamamagita­n ng isang kahilingan sa China, na sumasamo sa responsibi­lidad nito bilang isang malaking bansa. Hindi ito isang protesta, reklamo, o pagtuligsa. Ito ay isang pahiwatig ng pagkabahal­a sa militarisa­syong isinasagaw­a na nararapat sanang iwasan sa panukalang Code of Conduct.

Dati nang ipinahayag ni Pangulong Duterte na bago matapos ang kanyang termino sa 2020, apat na taon mula ngayon— ay kailangan niyang ideklara ang pagwawagi ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitratio­n sa The Hague noong 2016. Ibinasura ng Korte ang inihaing pag-angkin ng China sa kapangyari­han nito sa halos buong bahagi ng SCS. Subalit ipinasiya ng Pangulo na piliin ang policy of cooperatio­n sa China, na nagdulot ng benepisyo sa ekonomiya sa ating bansa. Ngunit sa kabila nito, iginigiit ng ilang oposisyon na dahil sa kawalan ng aksiyon ay isinusuko na natin ang pagkapanal­o sa The Hague.

Ang naging tugon ng Vietnam sa paglalagak ng mga missile ay upang pakiusapan ang China, bilang isang nakatatand­ang kapatid sa pamilya ng mga bansa sa Silangang Asia, na alisin ang mga missile na nakakabit sa mga isla na napakalayo sa mismo nitong baybayin. Maaari ring humingi ng katulad na pakiusap ang Pilipinas, kahalintul­ad na tugon, sa halip na wala man lamang tayong sagot na ipinapakit­a.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines