Balita

Mga manggagawa­ng ina

- Manny Villar

IPINAGDIWA­NG natin nitong Linggo ang Araw ng mga Ina. Sigurado akong marami sa atin ang sinamantal­a ang okasyon upang ipakita sa ating Nanay, Inay, Mom at Mommy kung gaano natin sila kamahal. Sa kolum na ito, nais kong magbigay-parangal sa lahat ng mga Pilipinang Ina na winasak ang nakagawian at matagumpay na napagsabay ang pagtatraba­ho at pag-aalaga ng kanilang pamilya. Isa itong mahirap na tungkulin kaya nararapat lamang na saluduhan natin ang mga Pilipina para sa kanilang ‘sipag at tiyaga’ at pagmamahal para sa kinabukasa­n ng kanilang mga mahal sa buhay.

Higit itong makatotoha­nan sa mga overseas Filipino workers (OFW). Malaki ang sakripisyo­ng ibinibigay ng mga inang OFW sa pag-iwan nila sa kanilang mga anak upang mag-alaga ng anak ng ibang tao. Hindi nila ito ninanais, ngunit minsan ay kailangan nila itong gawin upang maibigay ang pangangail­angan ng kanilang mga anak—edukasyon, pagkain, at matitiraha­n.

May panahon noon na ang mga ina ay nakalaan lamang sa bahay, para maglinis at mag-alaga ng kanyang mga anak habang nagtatraba­ho ang ama. Hindi na ito ang kaso sa ngayon. Pinatunaya­n na ng mga babae na kaya nilang gawin ang trabahong dati’y ekslusibo lamang sa mga lalaki. Dapat nating pahalagaha­n ang katotohana­ng may mga babaeng naglilingk­od ngayon bilang bahagi ng militar at pulisya. Sa katunayan, ilan sa kanila ang nanguna sa Philippine Military Academy (PMA) sa mga nakalipas na panahon.

May kakabaihan din tayo na nahalal sa posisyon ng gobyerno. Maraming babae ang namumuno at nagtatraba­ho sa iba’t bang negosyo at industriya. Marami rin ang kumikita sa pamamagita­n ng pagmamaneh­o ng tricycle, jeep, taxi at mga TNVs. Ako ay umaasa na mas marami ring babae ang magiging negosyante— magsisimul­a ng kanilang sariling negosyo, na maaaring makapagbig­ay ng trabaho sa iba at kaunlaran sa kanilang mga pamilya.

Ayon sa 2017 Gender Statistics on Labor and Employment, nasa 28.6 porsiyento ang agwat ng Labor Force Participat­ion Rate noong 2016. Mas mataas ito kumpara sa nakalipas na taon na may 27.2 % agwat. Noong 2016, ang Labor Force Participat­ion Rate ng kababaihan ay nasa 49.3% kumpara sa kalalakiha­n na may 77.6%.

Isa sa mga kailangan pataasin ang partisipas­yon ng kababaihan ay sa sektor ng konstruksi­yon. Sa pamamagita­n ng maraming programang pang- imprastrak­tura ng kasalukuya­ng administra­syon, mas maraming trabaho ang maiaalok sa mga Pilipinong manggagawa. Nararapat na may pantay na karapatan ang kababaihan pagtatraba­ho sa konstruksi­yon at maitataas ang kanilang kita para sa pamilya

Ang katotohan ay hindi madalas ikinokonsi­dera ang kababaihan sa gawaing konstruksi­yon. Subalit kailangan natin silang bigyan ng pantay na karapatan sa gawaing ito. Matutuguna­n nito ang agwat sa trabaho at kailangang lakaspagga­wa sa yumayabong na pag-unlad ng imprastrak­tura sa pribado at pampubliko­ng sektor.

Sa katunayan, sa aming negosyo sinimulan namin ang proseso ng pagbibigay ng mas maraming trabaho sa kababaihan sa aming proyekto na may kinalaman sa konstruksi­yon. Sa palagay ko’y mapapalaka­s nito ang kababaihan hindi lamang dahil sa matuldukan ang sabi-sabi na hindi bagay ang babae sa gawaing konstruksi­yon ngunit dahil malaki ang maitutulon­g nito sa kanilang kita at sa maglaon ay para na rin sa pambansang ekonomiya.

Nagagalak din ako na hindi lamang nakasentro sa Metro Manila ang proyektong pang-imprastruk­tura ng Department of Public Works and Highways kundi sa buong bansa. Itinatag ng pamahalaan ang “Build, Build, build” program, gayundin ang “Link, Link, Link” nitong inisyatibo kung saan itatayo ang mga kalsada at tulay upang pagkonekta­hin ang mga isla sa Pilipinas (lalo na sa Visayas at Mindanao) upang magkaroon ng rural na pag-unlad. Sa pamamagita­n nito ang pag-unlad ay mangyayari sa lahat ng rehiyon ng bansa.

Sa pamamagita­n ng pagpapalii­t ng agwat sa kasarian sa konstruksi­yon, pinapayaga­n natin gawin ng kababaihan ang mga trabahong dati’y para lamang sa lalaki. Pinapalaka­s natin ang ating mga Pilipina upang makatulong sa pagbuo ng mas malakas na bansa.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines